paubaya

184 4 0
                                    

labis ang kagalakan na nadarama,
sa iyo ko natagpuan ang tunay na ligaya.
ngunit hindi ito panghabangbuhay,
sapagkat dumating na ang araw na tayo'y maghihiwalay.

dating sabik ngayon ay sakit,
ang dating matamis ngayon na'y pait. 
nasaan na ang pangako,
na ako'y mamahalin mo hanggang dulo.

pinagmuka mo akong tanga,
ako lang pala'y ginawa mong buwelta.
labis ang aking paghihinagpis,
ngunit ako'y magpapaubaya na lamang na iyong nais.

ikaw na ngayon ay malaya,
at labis ang saya na makikita sa iyong muka.
habang ako'y unti-unting nawawasak,
makita kang masaya sa piling ng iba.

Mga Tula Where stories live. Discover now