mahal kita

449 2 0
                                    

ikaw 'yong nakita ko
tas bigla akong nasilaw,ako ba 'to?
bakit bigla kong narinig pintig ng puso
baka may karera,kaya ako tumakbo

pilit tinatanggi ang nadarama
pero lagi ka pa ring naaalala
ba't kasi ang ganda ng 'yong mata
siguro nga mahal na kita

oo mahal na kita
kaso may mahal ka atang iba
ang saklap naman ng tadhana
mukang mawawasak pa puso ko, pero itatawa

mahal kita,di mo lang alam
pano manhid ka kasi,laging walang alam
ba't ba kasi di na lang kaming dalawa
ang pinana ni kupido,edi kami na sana

sana mabigyan ng pag-asa
itong puso na patuloy umaasa
mahal kasi kita, hiwalayan mo sana siya
pero wag na,ipapaubaya na lang kita.

Mga Tula Where stories live. Discover now