untitled

135 0 0
                                    


ako'y umibig sa maling panahon,
sa isang hindi inaasahang pagkakaton.
sa ginoong may ibang kasintahan,
ako na ba'y kailangan magpaalam.

ika'y nais nang iwasan,
ngunit sabi mo 'huwag mo akong iwan'
ngunit ang kailangan ko'y kasiguraduhan,
sapagkat ako'y labis na naguguluhan.

ika'y may kasintahan,
pero sabi mo nasa akin ang iyong nararamdaman.
ano ba talaga?
kami ba'y iyong pinaglalaruang dalawa?

wala ang kasintahan mo,
ngayon sa akin ika'y nanggugulo.
pero ito'y naging daan para mahulog ako sayo,
sa lalaking may kasintahan o sabihin na lang nating maling tao.

hindi ko alam kung pipigilin,
itong aking damdamin.
alam kong mali ang umibig,
sa taong may iba nang iniibig.

masaya tayo sa isa't isa,
ngunit alam nating mali ating ginagawa.
tayo'y parang magkasintahan,
kaya lang may tao tayong masasaktan.

kelan magkakaroon ng ikaw at ako?
yong tipong pwede na kitang ipagsigawan sa mundo.
pero aking naalala,
nauna pala siya.

sabi mo ay gusto mo ako,
ngunit bakit iba ang nakikita ko.
alam ko namang nauna siya,
pero sana sabihin mo kung may pag-asa pa ba.

I was struck by love at the wrong time,and maybe with the wrong person.

"Is it really wrong to fall in love?" I ask my friend.

"Yes, especially when you fall for the wrong person." She said.

Mga Tula Where stories live. Discover now