Ang aking reyalidad

490 3 0
                                    

Naka upo sa gilid ng apat na sulok na kwarto.
Naglalakbay papunta sa ibang mundo,
Tumatawa,umiiyak para na akong baliw nito.
Pero di alintana makasama ko lang ang taong nasa puso ko.

Pero natapos na ang araw,
Babalik na ako sa totoong mundo.
Magkita na lang ulit tayo giliw,
Ginigising na ako ng mga tao.

Ito ang aking reyalidad,
Nananaginip pero gigising din agad.
Sa mundo mo ang napaka lapad,
Pero sa totoong mundo di ako makalipad-lipad.

Mga Tula Where stories live. Discover now