Ulan

288 4 0
                                    

Ulan ang nariyan
Kapag ako'y nagdaramdam
Basang-basa sa ulan
Pero manhid na ang aking katawan

Masarap maligo sa ulan
Maari kang umiyak,sa gitna ng daan
Hindi mo na kailangan mag-panggap
Ilabas mo lahat ng iyong paghihirap.

Umaasang ako,nawa ulan ay maging tao
Nais ko kasi ng kayakap,nadudurog na itong puso
Bakit walang isang tao na nais manatili sa tabi ko?
Nais ko lang ng kayakap sa tuwing may problema ako

Mga Tula Where stories live. Discover now