hindi na ikaw

137 1 0
                                    

Dedicated to: KathNiel!!!
Ps.  You can copy this but please put @brooom for proper credits, thank you!!

hindi na ikaw ang susunod na paksa,
hindi na ikaw ang ginoo sa aking mga tula.
hindi na ikaw ang aking pahinga,
hindi na ikaw, sapagkat tayo'y tapos na.

ang ating labing isang taong pinagsamahan,
na puno ng kilig at kulitan.
ang inakala ng lahat na habangbuhay,
ngunit nauwi sa paghihiwalay.

magsisimula ang bagong libro,
habang durog ang puso.
mabubuhay na wala ang presensya mo,
at pipiliting kalimutan ang sakit na ipinabaon mo.

salamat sa pagmamahal na iyong pinadama,
tunay akong naging masaya.
ngunit tama nga sila,
na walang panghabangbuhay na kasama.

Mga Tula Where stories live. Discover now