untitled

91 0 0
                                    

kami ay parehong manunula(t)
kung saan mag-kaiba ang aming mga paksa.
ang paksa ko ay siya,
habang sa kanya ay ang babaeng minamahal niya.




ako'y umibig sa isang manunulat,
kung saan pareho ang mga isinulat na sugat.
ngunit ang pagkakaiba ay siya ang aking sugat,
habang iba ang kanyang dahilan kung bakit siya nagsusulat.




siya'y umibig sa taong may ibang gusto,
habang ako'y umiibig sa kanya ng husto.
hindi ba talaga maaari,
na ako ang kanyang mapili. 


ang salita'y pinagtutugma ko,
habang siya ay iba ang nilalaman ng puso.
at ang bawat tula ay iaalay ko,
sa taong mahal ko na may ibang gusto.

Mga Tula Where stories live. Discover now