untitled

113 0 0
                                    

naaala ko ang lagi nating pag-aaway,
ngunit sabik  paring makasama pagsapit ng
liwayway.
ang ating mga tampuhan,asaran at kulitan,
lahat ng iyon ay alaala na lamang.

wala na ang tayo,
wala ng nag-aasaran at palaging magulo.
wala na ang nagsasapakan,pero nagmamahalan,
nawala na lang bigla ang kasiyahan.

ika'y mayroon ng  kasalukuyan,
habang ako'y nakakulong sa ating nakaraan.
pilit at patuloy na binabalikan,
ang masasayang alaala sa nakaraan.

masaya kana at malaya,
habang ako'y umiiyak ng mag-isa.
pilit inaalala kung saan ba nagkulang,
bakit bigla ka na lamang lumisan.

Mga Tula Where stories live. Discover now