kwaderno

143 0 0
                                    

sa aking simpleng kwaderno,
nakasulat ang salitang galing sa puso.
gamit ang mahiwagang panulat,
kung saan bubuong ng salita gamit ang sugat.

ibinukod ang mga salita,
salitang masakit ngunit kay ganda.
mga letrang isinaayos,
habang umaasang nawa'y balang araw ay maghilom.

sa isang lumang kwaderno,
nakasulat ang totoong kwento.
ang kwentong para sa iba ay napakaganda,
ngunit sa likod ay may nakatagong pait na iniinda.



kwaderno,isang simpleng bagay,
ngunit nakapaloob nito ang aking buhay.
isang bagay na naging labasan ng sakit,
sa tuwing walang malabsan ng hinanakit.


hindi maganda ang panglabas na anyo,
pero kung basahin mo ay puso mo'y durogo.
napakaraming kutsilyong nakatago,
at pinapatay ka nito habang gumaganda ang kwento.

Mga Tula Where stories live. Discover now