untitled

100 0 0
                                    

Sa ilalim ng buwan siya'y aawit,
Mga lalaking hayok,naaakit.
Kagandahan niya'y kakaiba,
Kahit sino'y mahuhumaling talaga.

Nakaupo siya sa bato,
Habang hinihintay dumaan ang barko.
Aawit ng maakit ang tao,
Hanggang sa lulunurin niya ito.

Gandang kaakit-akit pero may tinik,
Napakaraming lalaking naaakit.
Sa likod ng magandang pigura,
Nakatago ang ugaling masama.

Mga Tula Where stories live. Discover now