untitled

135 2 0
                                    

matagal na panahon na ang lumipas,
ngunit ang pag-ibig ay di parin kumukupas.
ika'y nasa kasalukuyan,
ngunit ako'y nabubuhay parin sa nakaraan.

ang dali sayong ipagpalit ako,
samantalang ikaw ang pasimuno ng lahat ng ito.
pumasok ka sa buhay ko,
at lumabas na sira ito.

walang awang iniwan mo ako,
samantalang noon grabe ka mangako.
hindi mo ako iiwan,
ngunit ngayon ika'y nasaan?

habang-buhay na lang ba akong ganito,
natatakot masaktan muli ang puso.
maaring habangbuhay ko nga ito dadalhin,
hanggang sa ako'y palirin ng hangin.

Mga Tula Where stories live. Discover now