paki-usap

101 1 0
                                    

pakiusap huwag mo na akong ngitian,
dahil mas lumalalim ang nararamdaman.
alam kong ako'y masasaktan lang,
kapag ako'y mahuhulog ng tuluyan.



pakiusap huwag mo akong hawakan,
sapagkat baka ayaw na kitang bitawan.
at mas nanaisin ko na lang masaktan,
madurog at malunod sa iyong harapan.




pakiusap huwag mo akong titigan,
dahil ako'y nahuhulog ng di namamalayan.
maaring di ko na ito mapigilan,
kahit alam kong sakit sa puso ang patutungohan.




pakiusap tama na,
alam ko namang mahal mo siya.
di mo na kailangang ipamuka,
kasi ang sakit-sakit na.

Mga Tula Where stories live. Discover now