untitled

111 1 0
                                    

tunay na pag-ibig patuloy na hinahanap,
ang hindi ko alam ika'y akin na palang kaharap.
hindi ko pinansin pero napapaisip narin,
kinakabahan ako kapag ika'y nariyan.

sa lahat ng tao sa mundo,
hindi ko inaasahang ang kaibigan ko.
sa lahat ng bagay na ating nagawa,
mga kalokohan tapos ikaw pala ang aking sinta.

maaring matagal ng nakaplano,
na ika'y aking maging mundo.
habang siya ang nakatadhana sayo,
at ako'y tanging kaibigan lang para sayo.

patawad kong minahal kita,
siguro ang mali ang aking ginawa.
pero walang pagsisi ang aking puso,
masaya akong maging tulay niyo.

ganon pala kapag naging tulay,
masasaktan ka habangbuhay.
habang sila'y kinikilig at nagsasaya,
ako'y nasa bangin, mahuhulog na.

hindi mo alam na ako'y humihikbi,
sa likod ng mga tawa at ngiti.
pinapanood kitang maging masaya,
habang ako'y nalulunod at nadudurog na.

Mga Tula Where stories live. Discover now