totoong ako

278 2 0
                                    

Sa pekeng Mundo,kung saan lahat ay di totoo
Sa mundong laro lang nila kung itrato
Pero bakit doon ko naipapakita ang totoong ako
Doon ko nasasabi lahat ng nararamdaman ko

Sabi nila,alam ko na yan
Nagpapanggap may sakit pero wala naman
Ganoon ba talaga ang tingin nila?
sana nga totoo na lang ang mga sinabi nila

Yung wala akong sakit,
Yung magagawa ko lahat ng walang inaalalang magagalit
Yung magagawa kong makipag bonding
Kasi alam mong di mo pa ending

Kaya lang naalala ko ang reyalidad
Di nga pala ako pwede gumala,kasi may posibilidad
baka bigla akong mamatay sa daan
Palagi ko pa namang nakakalimutan inumin ang aking panglunas na kay pait naman.

Ito ang totoong ako,
Sakitin at walang kaibigan sa totoong mundo
Bawal gumala,dahil baka lalo lumala sakit ko
Di pwede gumamit ng telepono,para sakin lang din naman daw ito.

Mga Tula Where stories live. Discover now