untitled

115 1 0
                                    


ilang beses na tayong nagkakatampuhan,
pero nangingibabaw parin ang kasiyahan.
hanggang sa isang araw,
akin lang nakaligtaan, wala na ang aking araw.

nais ko ring tulad ng kanta,
kahit palagi tayong nag-away ay sa bisig parin ng isa't isa.
pero ako'y nagising na lang,
na iba na ang yakap mo aking sinta.

ninais ko din namang ipaglalaban ka,
pero ang sakit na makitang may kayakap kang iba.
parang nabibiyak ang puso ko ng pinong-pino,
na para bang nalulunod ako at nawalan ng mundo.

Mga Tula Where stories live. Discover now