Sabi mo

114 1 0
                                    

sabi mo,'makakalimutan mo din ako'
sabi mo,'hindi ko deserve na mahalin mo'
sabi mo,'nais kitang maging akin,pero'
sabi mo,'ayaw kong maging makasarili kasi alam ko'

sabi ko,'paano kita makakalimutan?'
sabi ko,'paanong nasasabi mo 'yan?
sabi ko,'nais kong makasama kang libutin ang mundo.'
sabi ko,'pwede bang wag na natin isipin ang ibang tao?'

paano kita makakalimutan?
kung sa bawat segundo, pakiramdam ko ikaw ay nariyan
paano ako mag-hahanap ng iba?
kung puso ko'y tuluyan mo nang dinala.

paano ako magiging masaya sa iba?
kung sa mga banat mo lang ako sumasaya.
sabihin mo,paano ako mag-momove on?
if you're always in my heart,my moon.

Mga Tula Where stories live. Discover now