kabanata 2

145 25 0
                                    


Napabalikwas ng bangon si Kaizen. Nakatulog pala siya habang malalim na iniisip ang mga bagay bagay kagabi. Kumukulo na ang kanyang tiyan sa gutom,  gusto na niyang kumain pero alam niyang wala silang pagkain. Tumingin siya sa labas ng kanyang bintana, madilim dilim pa. Nasa ala singko palang kasi ng Umaga. Bumangon na siya at inayus ang kanyang higaan. Pagkatapos lumabas siya sa kanyang silid. Nakasarado pa ang pintuan ng kwarto ng kanyang mga magulang, tiyak natutulog pa ang mga ito. Sinimulan na niyang maglinis ng kanilang bahay, nag-igib ng tubig at pinakuluan para may magamit ang kanyang ama para sa paglilinis ng katawan ng kanyang ina. Nakita niyang mayroon laman ang Isang Sako, tinignan Niya ang loob nito at ito pala'y mga bungan kahoy. Siguro pumunta ang kanyang itay sa gubat kagabi para maghanap ng mga ligaw na bungan kahoy nang may makain sila ngayun. Kinuha Niya ang kaldero at sinimulan Niya na itong lutuin. Maliwanag na sa labas, halos Isang oras din siyang naglinis sa kanilang bahay. Tulog parin ang kanyang mga magulang, pagkatapos niyang kumain at maihanda sa lamesa ang almusal ng kangyang mga magulang ay umalis na siya. Pupunta siya sa bahay ni aling Nina. Meron kasi itong ipapagawa sa kanya, ipapalinis nito ang kanilang kubeta. Kapalit ng ilang perasong barya. Mabuti narin iyon para may maipanbili siyang gamot sa kanyang ina. Sana lang hindi siya makita Nina zenu, 'bibilisan ko nalang mamaya at iiwas na dumaan sa tambayan nila'. Sa isip niya

Nasa dulo ng nayon ang bahay nila, kaya aabutin din ng kalahating oras ang kanyang paglalakad papunta sa sentro ng kanilang nayon, nanduon kasi ang bahay ni aling Nena. Ng nakarating siya sa sentro, napansin niyang nagkukumpulan ang mga tao at nakita niyang mayroon pala silang panauhin mula sa palasyo. Dalawang kawal na nasa 1st level gold rank, ang Isang kawal ay may hawak na Isang nakarolyong papel. Ito pala ay may dalang balita mula sa palasyo.

"Mga taga redvillian! Makinig ng mabuti at ito ang anunsyo mula sa palasyo". Nilibot ng kawal ang kanyang paningin. Ng makitang naghihintay na ang lahat ng tao sa kanyang dalang balita ay sinimulan Niya na itong basahin.

"Magandang Umaga sa Inyong mga nasasakupan ko. Ako si haring elisiyo na Inyong hari ay nais ipabatid sa Inyong lahat na ang goldbath Academy ay magbubukas na sa makalawa at inaanyayahan Kong lahat ng batang may edad sampu ay maaaring lumahok sa pagtatasa. Ang makakapasa ay siyang kwalipikado upang  makapasok sa goldbath Academy ng libre." Pagkatapos basahin ay binalik na nito ulit sa pagkakarolyo ang papel, at tumingin sa mga tao.

"Pumunta ang lahat ng batang may edad sampu bukas sa sentro ng bayan dahil duon gaganapin ang pagtatasa".
Huling Pag-papaalala nito at akmang aalis na.

"Sandali lamang po" pigil ni ka-tenyong sa kawal.

"Bakit?" Halatang nainis ang kawal Kay ka-tenyong dahil sa pagpigil nito.

"Pasensya na , nais ko lamang tanungin Sana kung anung klasing pagtatasa ba ang gagawin bukas?" Hingin paumahin ng kanilang pinuno.

"Yan ay hindi namin nalalaman, taga hatid lamang kami ng balita mula sa kaharian". Sagot ng Isa pang kawal.

"Kung wala na kayong katanungan, kami'y aalis na, masyado niyo na kaming inaabala, pasalamat pa kayo at pumunta pa kami dito. Dahil kung tutuusin ,sa aking nakikita, wala ni Isang bata mula dito ang makakapasa bukas" ngising hilaw na Saad nito. Pinakita pa nito kung paanu Niya maliitin ng tingin ang mga redvil.

"Paumanhin , sige po ,maari na po kayong umalis" nakayuko humingi na paumanhin si ka-tenyong, nainsulto siya at ng kaniyang kaangkan ngunit wala naman Silang magagawa dahil sila ay mahihina lamang. Kaya kahit harap harapan pa silang hamakin, wala silang gagawin para lumaban, dahil balik-baliktarin man ang mundo sila parin ang matatalo at baka mahantong pa sa kamatayan ng ilan sa kanila.

"Ang yabang naman nun" inis na wika ni Mang tasyo, ang ama ni zenu. Matalim niyang tinitigan ang mga kawal na papaalis.

"Pabayaan mo nalang sila tasyo," saway ni ka tenyong. Bumaling ito sa iba pang ka angkan.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now