kabanata 6

112 23 0
                                    

Ito ang bayan ng Gotham , ang pinaka sentro ng bansang golbath , dito madalas nangyayari ang mga malakihang transakyon mula sa mga mamamayan ng golbath at ng karatig bansa. Maraming mga iba't ibang establisyenmento ang  naitayo. Masasabing dito rin nagkakatipon-tipon ang mga iba't ibang adventurer mula sa iba't ibang angkan ng golbath, O mula sa iba't ibang bansa ng kontinenteng kazanian. Sa Hindi kalayuan ay matatanaw mo ang Isang napakaling palasyo. Dito naninirahan ang hari at Reyna, Pati narin ang kanilang mga prinsipe at prinsesa. Sa Isang parte ng bayan ay makikita ang napakaling simboryo o dome. Sa loob nito ginagawa ang mga mahahalagang pangyayari, tulad ng paligsahan, o kung may pagtatasang gagawin. Mapapansin punong puno ito ngayun nga mga tao, mga magulang o kaanak kasama ang kanilang mga anak na may edad sampu. Dito kasi gaganapin ang pagtatasa para sa pagpasok sa golbath Academy. Makikitang may Isang batang tumatakbo ng mabilis nais makahabol sa pagpasok sa simboryo, nagmamadali ito sakadahilanang isasara na ng Isang kawal ang malaking tarangkahan.

"Teka lang po!" Sigaw ni Kaizen, mabuti nalang at naabutan nya pa. Tumigil ang kawal at pinagmasdan Niya ang Isang batang humihingal sa pagud.
"Bata, bakit ngayun ka lang? Mabuti at di ko pa ito nasasara". Tanung ng kawal

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Pasensya na po nahuli ako, tinakbo ko lang kasi mula sa amin nayun papunta dito." Hinihingal niyang Paliwanag.

Napakunot noo ang kawal. "Saan ba ang nayun mo?"

"Sa redvillian po" sagot Niya

"Sa redvillian ba kamo? Eh diba mayroon naman kayong sasakyang karwahe. Hindi ka ba nakaabut sa pagsakay dun?"

"Puno na kasi kaya hindi na nila ako pinasakay" kaswal niyang sagot.

Nakaramdam ng habag ang kawal. Sa isip ng kawal; ilang milya ang layo ng redvillian village mula sa Gotham city. Sobra naman ang mga kalahi nito at di manlang pinasakay ang kaawa-awang bata. Pero sa Isang banda, namangha rin siya dito, Nagawa nitong takbuhin lang ang ganun kalayo. May talento ang batang ito sayang naman kung hindi makakasubok sa pagtatasa.

"Sige , bata pasok ka na, ikaw ay pumunta doon sa may mga nakapilang mga bata at magparehistro ka." Pinapasok na siya ng kawal at itinuro ang Isang Mesa kung saan maraming nakapilang mga bata para magparehistro. Samantala ang mga magulang ng ilang bata ay dumiritso na sa loob ng simboryo at doon nalang maghihintay ng kanilang mga anak.

Muntikan na siyang mahuli. Dapat kanina pa siya nandito kung pinasakay lang Sana siya. Nang pumunta siya sa sentro ng kanilang nayon. Naabutan Niya pa ang mga kaangkan Niya  na sumasakay sa mahabang karwahi. Sa una nabigla sila ng mapagsino siya. Kaya Lang dahil daw wala na raw puwesto , hindi na daw siya maaaring makasakay. Sinabi pa ng kanilang pinuno na "Kaizen sa susunod ka nalang sumubok sa pagtatasa, siguradong hindi ka naman makukuha, maaring nakatapak ka na sa 1st bronze rank, Kaya lang wala ka pang pagsasanay." At sinang-ayunan naman ng iba pa. Masyado nilang hinahamak agad ang kakayahan nya. Tumalikod nalang siya at hindi na nagpumilit pa. Akala ng mga ito eh susuko na siya, wala ba siyang mga paa? Kaya niyang takbuhin nalang. Naniniwala siyang mas tripli ang bilis Niya ngayun kumpara sa dati. ngayun naglalakad na siya patungo sa pila. Mabilis lang ang pagparehistro. Pagkatapos niyang maisulat ang kanyang pangalan at edad, inabesuhan na siyang pumasok at dumiritso sa Hanay ng mga redvil, ang angkan kinabibilangan Niya. 

Habang papasok na siya sa loob ay biglang may sumabay sa kanya. "Oy bata, nakita kita kanina, tumatakbo, Sabi ko na ngaba at dito ang Iyong tungo. Napakagaling mo naman, ang bilis-bilis mong tumakbo. " Wika nito. Hindi Niya kilala ang batang kumakausap sa kanya. Mukhang ang angkan windillian ang kinabibilangan nito. Dahil sa maiksing puting buhok, sa kulay gintong mga mata, at sa Tenga  nitong parang Isang elf. Yan ang pagkakakilalan sa kanila, pinaniniwalaan kasi na ang ninuno ng mga ito ay Isang elf. Malusog din ang pangangatawan ng batang ito, at mukhang ang pagkain ang Isa sa kinahihiligan nito dahil kahit nasa loob na sila ng simboryo ay may kinakain parin ito mula sa dala nitong supot.

The Prophecy From Lower Realm Donde viven las historias. Descúbrelo ahora