kabanata 41

86 17 3
                                    


Nakalabas na sila sa house of mission, ngayon naman ay patungo na sila sa house of traders, hanggang ngayon ay iniisip parin ni Kaizen ang kanyang nalaman mula sa kanilang guro. 'kung ganun ang sikat na elites quads ng Goldbath Academy ay Isa palang sekretong organisasyon ng hari. Kung saan ang mga talendadong mga estudyante ay sasanayin para gumagawa ng mga dilikadong misyon para sa  ibang indibiduwal sa loob man ng bansa o sa ibang bansa. Kahit hindi makabuluhan ang gagawin misyon hanggat hindi ito nakakaapekto sa hari at sa kanyang bansang pinamumunuan ay tatangapin nila kapalit ng malaking kayamanan kayang ibayad ng Isang indibiduwal. Pero ang kayamanan ibabayad ng mga ito kapalit sa nagawang misyon ay hindi matatanggap ng mga elite quads Kundi deritso ito sa hari at kunseho, samantala Silang mga elite quads ay makakatanggap  lamang ng puntos  na kailangan pang ipunin para ipalit sa mga kayamanan nasa house of traders. Parang hindi patas at halatang tuso ang ganitong patakaran.' sa isip Niya.

Hindi lang siya ang nag-iisip ng ganun Kundi Pati rin ang iba niyang kasamahan, pare-pareho sila ng iniisip parang hindi makabuluhan, ayus lang sa kanila ang gumawa ng misyon kahit dilikado pa ito basta't hindi ito makakasama at tangin masasamang adventurer lang ang kailangan puntiryahen Pero kung Pati ang mga adventurer na wala naman kasalanang ginagawa at gusto lang ipapatay ng kung sinong kaaway nito ay hindi Tama. Ayaw nila ng ganun, hindi sila ganun kasama para pumatay ng Isang inosenti kapalit ng Isang kayamanan hindi naman mapapasakanila.

Biglang napukaw ang kanilang atensyon ng magsalita ang kanilang guro. "Alam ko ang iniisip niyo" napabuntong hininga ito at nagsalita ulit. "Maging kami man nung baguhan palang kami, tulad niyo ay hindi rin namin matanggap ang aming nalaman sa madilim na bahagi ng pagiging elites quads. Pero wala kaming magagawa dahil mas malakas at maimpluwemsya ang hari at ng kanyang mga kunseho. Isa pa, kung di kami susunod anong mangyayari sa pamilya at angkan namin kinabibilangan sa labas?" Humarap ito sa kanila, "huwag kayong mag-alala dahil may kalayaan naman kayong pumili ng misyon gagawin ninyo, maliban nalang kung derektang iutos iyon ng hari o kunseho sa Inyo.  Kaya ang tangin maipapayo ko lang sa Inyo, mag-iingat kayo at huwag na huwag basta magtitiwala. Maging matalino kayo sa pagpili ng disisyon, Isa kayong pangkat kaya kailangan niyong matulungan at magkaisa." Mahabang pahayag nito. At nagsimula na ulit maglakad.

Nagkatinginan Silang lima, bago sumunod sa kanilang guro na patungo na sa Isang malaking bahay na may nakasulat na the house of traders. Pagpasok nila ay mapapansin ang ingay ng mga adventurer na naroon, narito pala ang ilang elites quads mula sa Junior at senior group. Halatang ang iba ay nakikipagpalitan ng puntos kapalit ng kayamanan nakadisplay sa loob.

Nilibot ni kaizen ang kanyang paningin. Simple lang ang loob ng bahay, para itong malaking tindahan, makikita ang mga nakadispling kayamanan na may iba't ibang antas at Uri. Nakasulat sa baba ng mga ito kung anong klasing kayaman ito at kung ilang puntos ang kinakailangan upang makuha ito ng Isang elite quads. Makikita rin ang Harang na salamin nakapalibot at ang tangin daanan lang ay yung pintuan nasa likod ng limang Mesa na nasa kanilang harapan ngayon. Mayroon limang adventurer ang nakaupo sa bawat mesa. May nakikita siyang ilang senior group ang nakapila sa unang mesa. Ang ang Ilan junior group ay nakapila sa pangatlong mesa. Ang Ilan naman ay nag-uusap at tumitingin-tingin sa mga nakadisplay na kayamanan sa loob mismo.

Narinig nila ulit ang tinig ng kanilang guro. "Tulad nga ng sinabi ko kanina, ito ang house of traders. Dito niyo ipapalit ang inyong nakulektang puntos para sa kayamanan nais niyong mapasakamay. Bago ko makalimutan ay ito pala ang inyong keeping points bracelet." Isa Isa Silang binigyan ng Isang polseras na may bilog sa gitna. "Patakan niyo lamang ng inyong dugo upang maging aktibo ang mga iyan. Sa bawat misyon inyong gagawin ay may katumbas na puntos na paghahati-hatian ninyo." Paliwanag nito.

"Kung ganun, may kalayaan kaming pumili ng gusto naming kayamanan dahil sa may kanya-kanya kaming puntos?" Tanong ni hara.

"Tama, bahala kayo sa sarili niyo kung anong kayamanan ang gusto niyong ipalit sa maiipon niyong puntos. Hindi niyo kailangan pakialaman ang isa't-isa tungkol sa bagay na iyan." Dagdag na paliwanag ng kanilang guro.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now