kabanata 9

98 19 1
                                    

Humarap ang mag asawa sa kanilang ka-angkan, nilibot muna nila ang kanilang paningin bago nila umpisahan ang kanilang isasalaysay tungkol sa kanilang anak na si kaizen.

Unang magsasalita si Johanas "pinuno at sa mga kaangkan Kong naririto, magandang Gabi sa Inyo." Pauna niyang pagbati. "Aking sasagutin ang Inyong mga katanungan tungkol Kay Kaizen, hindi na namin pa ikakaila na siya nga'y hindi lang Isang 1st bronze rank Kundi siya ay nasa antas na ng 1st silver rank. " Inaasahan na ng Ilan ang tungkol dito, lalo na ng pinuno. ngunit di parin nila mapigilan ang mamangha. Lahat sila ay iisa lang ang tanong "paano nangyari?"

Ipinaliwanag ni johanas kung paano nangyari, nag simula muna siyang ekuwento ang tungkol sa enkwentro ng kanyang anak na si Kaizen sa mga batang Sina zenu, nanu at bebe, kung papaano kinaladkad ng tatlo ang kaawa-awang si Kaizen sa gubat , at kung paano nila iniwan si Kaizen sa kuweba ng ito ay gumuho. Hindi sila makapaniwalang magagawa ng Tatlong Bata ang ganun bagay dahil mahigpit nilang ipinagbabawal ang paglabas sa Harang papuntang gubat ang mga batang may edad labing pito pababa.

"Teka lang,, paanu ka nakasisigurong ang lahat ng iyon ay pakana ng anak ko? Mayroon ka bang pruweba? Baka naman gusto mo lang gantihan ang anak ko dahil sa ginawa nitong pang aaway Kay Kaizen noon." Mabilis na depinsa ng ama ni zenu.

"Tama, maglabas ka nang matibay na pruweba " gatong naman ng ina ni nanu

Ayaw nilang maniwala sa sinasabi ni johanas dahil kung sakali ito'y totoo mapapatawan ng Parusa ang kanilang mga anak at higit paron bababa ang tingin nang kanilang kanayon sa kanila.

Ngumisi lamang si johanas "pruweba ba kamo? Bakit hindi natin tanungin mismo ang tatlong bata, hindi sila makakapagsinungaling gamit ng ating mahiwagang bato ng katotohanan. " Suhesyon niya. Namutla ang ama ni zenu, mukhang napasubo siya.

"Elvin! Dahil mo dito ang tatlong bata" utos ni pinunong ka-tenyong sa kanyang kanang kamay. Sumang-ayon naman ang Ilan. Pagkatapos Umalis ni Elvin ay tumalikod ang kanilang pinuno, pumasok ito sa Isang silid na nasa likuran Lamang ng kanyang upuan. Pagbalik niya ay daladala na niya ang Isang kahon na yari sa salamin sa loob nito ay Isang bilugang bato na kulay purong puti. Ito ang kanilang natatanging yaman, ang stone of all Truth. Kapag humawak ka dito ang lahat ng tanung na ibabato sayo ay sasagutin mo ng purong katotohanan Lamang. Kaya imposibling makapagsinungaling ang sinuman kapag hawak ito.

Mayamaya Lamang ay pumasok na ang tatlong bata kasama si Elvin. Halatang Kinakabahan ang Tatlo lalo na si zenu na namumutla pa. Tumingin ito sa kanyang ama at nais Sanang magpasaklolo. Ngunit walang magagawa ngayun ang kanyang ama. Inutusan ni ka-tenyong si Elvin na dalhin ang tatlong bata sa kanyang harapan.

E-pwenesto Niya sa harapan ng mga bata ang kahon na naglalaman ng stone of all truth. Sa utos Niya, Isa Isang nilagay ng tatlong bata ang kanilang kanan kamay sa ibabaw ng bato. Umilaw ang mahiwagang bato ng mahawakan ng Tatlong Bata. Kung kanina ay Kinakabahan ang mga ito at nanginginig pa sa takot. Ngayun ay makikitang blangko na at malumanay na ang kanilang ekpresyon. "Ngayun ay handa na sila, maari na natin simulan ang pagtatanong"pagbibigay hudyat ni pinunong ka-tenyong.

"Zenu, bebe at nanu, totoo bang kinaladkad niyo si Kaizen kahapon patungong gubat?"  Tanung ni Mang johanas.

"Opo" sabay sabay na sagot ng tatlo

"Bakit zenu?"

"Dahil po gusto kong makakuha nang mga halaman gamot na magagamit namin ni ama sa pagpapalakas." Blangkong sagot ni zenu. Napayuko nalang ang ama Niya.

"Bakit kailangan niyong isama si Kaizen doon nanu?"

"Dahil gusto pong gawin pa-in ni zenu si Kaizen kung sakaling makaharap kami ng halimaw".

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now