kabanata 48

71 19 2
                                    

Kasalukuyan ng naglalakbay Sina Kaizen patungo sa bayan ng Bura. Nais Sanang lumipad ni Kaizen kaya Lang hindi niya pweding gawin dahil hindi pa kayang makalipad ng iba nilang kasamahan at naiintindihan Niya ito kaya itinuon Niya nalang ang kanyang atensyon sa pagtakbo ng mabilis at, pagtalon-talon sa mga Sanga ng puno. Sa sobra niyang bilis sa pagkilos na Tila ba ay Isa siyang hangin ay di Niya na napapansin na naiwan Niya na pala ang kanyang mga kasamahan, Isa rin sa dahilan ay dahil masyado rin malalim ang kanyang iniisip. Iniisip Niya ang mga sinabi ng batang walang mukha na nasa kanyang star system.

Binisita Niya ito sa kanyang kamalayan kagabi pagkatapos nilang mag-usap ng guro niyang si lexington. Nakita niyang umiilaw na ng matingkad ang kulay berding bato, katulad sa kulay pulang bato. Dito Niya narin napansin na ang Kanyang kulay pulang bato ay may halong Lila na. Hindi pa man siya nagsasalita ay inunahan na siya ng batang walang mukha. "Basi sa aking obserbasyon, Mukhang ang limang batong iyan ay iyong mga kapangyarihan. Ng umilaw ang pula bato, nagawa mong makuntrol ang elementong apoy, at dahil din sa nagawa mong pagkontrol sa Pag higop ng kulay berding enerhiya kasama ang puting enerhiya ay nagawa mong mapataas ang Uri ng iyong apoy kaya ito ngayon ay naging kulay Lila. At dahil din sa puspusan mong pagsasanay at sa naranasan mong aktuwal na pakikipaglaban ay mukhang nagawa mong buhayin ang iyong kapangyarihan sa elementong hangin." Mahabang Lahad nito at humarap sa kanya. "Ikaw ang magiging elemental king kapag nagawa mong magising ang tatlong natitirang mga bato, ang elemento ng tubig, lupa, at liwanag." dagdag pa nito.

Napakunot noo siya, at may napagtanto. "Ngayon ay naiintindihan ko na! Kung ganun totoo ang kwento ni ginoong Neryum, ang batong ito" turo Niya sa bato na nasa ibaba ng kanyang star system. "Ito ang kalahating bato mula sa kapangyarihan ni god of healing na itinapon ni haring Agus sa ibang dimensyon! Kung ganun, ang kanununuan ni haring Amer ang nakahanap sa batong ito." Bulalas Niya.

Sumagot naman ang batang walang mukha. "Tama ka, at itong Tala na ito na may limang mga batong may iba't ibang kulay, ito ang kapangyarihan ni Agus bilang king of elemental" Saad naman nito.

Muli siyang napaisip, 'kung ganun, napagsama Niya pala ulit ang kapangyarihan ng god of elemental at god of healing ng hindi Niya napapansin. Ito ang rason kung bakit siya ngayon ay nagtataglay ng white elemental flame.' napabuntong hininga siya. Humarap siya sa batang walang mukha at nagsalita. "Hindi ko pa rin maintindihan, bakit nasa akin itong talang ito?" May Pag tatakang Turo Niya sa Tala. "Anak ako nina inay at itay, galing ako sa angkang redvil, wala sa elemental ang kapangyarihan nila o ng aming mga kanununuan. Papaanong Napunta sa akin ang kapangyarihan ito? Sa pagkakaalam ko itinago ni haring Agus ang batong galing sa god of elemental at kahit sino man ay walang may nakahanap hanggang lumipas ang libo-libong taon..?"

"Pasensya na, ngunit wala akong Alam kaya hindi rin kita masasagot. Sa ngayon ipagpatuloy mo nalang muna ang iyong ginagawa, Gumising ka na at mukhang kanina ka pa nila hinihintay." Utos nito.

Doon na natapos ang kanilang pag-uusap. Sa ngayon ay sapat na ang Kanyang nalaman tungkol sa kanyang kapangyarihan. Natutuwa siya dahil kung magagawa niya pang buhayin ang tatlong bato pang natitira ay tiyak, siya na ang magiging pinakamalakas.mas maigi ng Pagtuunan Niya nalang muna ng pansin ang kanyang pagpapalakas, bata pa siya marami pa siyang panahon, saka nalang Niya hahanapin ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Aminin man Niya o hindi, Pero may kutob na siyang may Mali at may kakaiba sa kanyang pagkatao.

Naputol ang kanyang inisip ng maramdam niyang may pwersang papalapit sa kanya. Kaya agad siyang tumalon paatras upang umiwas.

Tsusk!

Isang Pana! Agad niyang pinatalas ang kanyang pakiramdam. Maya-maya lamang ay may Tatlo pang Pana ang papalapit sa kanya. Mabilis siya umilag at ang dalawang Pana ay Sinalo Niya pa bago tumama sa kanyang mukha at katawan.

"Magaling ka bata!"

Mula sa Isang puno ay lumabas ang Isang batang babae. May hawak-hawak na Pana. Kasing edad Niya lamang ito, may puting mahabang buhok, at puti rin ang mga mata nito. Simple lamang ang kasuutan nito, parang Isang mangangaso. Mapapansin rin ang mga iba't ibang bato sa sout nitong mga kwentas at porseras. At ang bandana nito sa noo na parang balat ng Isang halimaw.

"Sino ka?" Malumanay na tanong ni Kaizen.

Napataas naman ang kilay nito. "Tsk! Lakas mong magtanong sa akin! Eh ikaw ang Dayo sa aming teritoryo!" Sigaw nito.

Napangiwi naman si Kaizen dahil sa lakas ng boses nito. Hindi naman ganun kalayo ang distansya nila upang sumigaw ito ng malakas, napakamot nalang siya sa ulo at malumanay na nagsalita. "Ahm pasensya na sa kawalang galang ko bata, ako nga pala si Kaizen--" hindi Niya na Natapos ang pagpapakilala ng sumigaw ito ulit.

"Huwag mo akong tawaging bata!...
Hindi na ako bata! Hmph!" Pagtataray nito, "at para sa kaalaman mo, ako si Shaira,!  Ang pinakabatang talentado sa tribo namin!". Pagmamalaki pa nito.

Napatango naman si Kaizen. "Ahm kinagagalak kitang makilala binibining Shaira" tumingin siya sa paligid, 'mukhang naliligaw ako, hindi ko maramdaman sina guro,,' wika Niya sa isipan.

"Mukhang hindi ka tagarito bata,,, taga saan ka ba at mukhang naliligaw ka.?" Tanong ni Shaira sa kanya.

Tumingin naman siya rito, "ahm oo.. hindi ko napansin nawala na pala ako, Alam mo ba kung anong lugar na ito?" Tanong Niya rito.

Tumingin naman ito ng taimtim sa kanya. mukhang sinusukat nito kung totoo ba ang kanyang sinasabi. "Hmm, ito ang bundok Sukora, ito ay sakop pa sa aming tiretoryo kahit malayo na ito sa aming tirahan, ay parti parin ito ng aming promoprotektahan." Sagot nito at muling nagsalita. "Bakit bata? Saan ba ang iyong tungo? At may mga kasama ka ba o nag-iisa lang?" Sunod sunod na tanong nito.

Sasagot na Sana si Kaizen kaya Lang ay may napansin siyang kakaiba at nakaramdam siya ng Isang awrang papalapit at ito ay napakalakas. Sa bilis ng pangyayari ay Nakita Niya nalang ang kanyang sarili na tumatakbo kasabay si Shaira habang hawak-hawak nito ang kanyanhbmga kamay. Hinatak pala siya ni Shaira paalis sa kanilang kinalalagyan.

Ng lumingon siya sa kanilang dating pwesto ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil nakita Niya ang Isang halimaw na tumatakbo at mukhang hinahabol sila.mayroon itong  limang ulo ng ahas habang may katawan na parang Isang gorilya, Ito ay nasa ika-anim na antas ng gold rank. Hindi nila ito kakayanin labanan lalo na at napakalakas ng tinataglay nitong Lason mula sa mga laway nito.

Sa isip naman ng batang si Shaira. 'tsk! Lampa naman nito,! Ito palang siguro ang unang beses nitong makakita  ng goreserpentes. Siguro kung hindi ko to hinatak kanina pa ito kinain ng halimaw!" Natatawang
Napairap nalang siya at sumigaw rito. "Bilisan pa natin! Maabutan tayo niyan!" Pananakot Niya rito.
Lumingon naman ito sa kanya at tumango. Nabigla siya ng bumitaw ito sa kanyang kamay, hahawakan Niya na Sana ulit at sisitahin ito ng bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay at inaakbay sa balikat nito kasabay ng paghawak nito sa kanyang mga baywang. Nanlaki ang kangyang mga mata at magagalit na Sana siya rito ng bigla itong lumipad pataas ng napakabilis, hanggang sa narating nila ang mga ulap. Nalula siya kaya napahigpit ang kapit Niya rito.

"Hays! Salamat nakatakas rin tayo! Siguro naman hindi na tayo niyang masusundan rito sa taas" nakangiting Saad ni Kaizen. Ng lumingon ito Kay Shaira ay nakita Niya itong  gulat na gulat.

"NAKAKALIPAD KA!?"







Author's note: hello guys,, pasensya na sa super late na update, tulad ng Sabi ko, starting April 1, start na po ang aming preparations for demo teaching, kaya yung po yung reason why I'm super busy this week, kasi I'm preparing for my demo for tomorrow,  kaya lang napostpone dahil sa memo ng DepEd na walang f2f bukas Kundi online lang. So naresched ang demo ko, at sa Thursday nalang. Kaya heto ako ngayon nakapag-update. Anyway hope you understand and thank you sa patuloy na Pagbabasa,,😊

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now