kabanata 44

79 20 2
                                    


Sa pagsali ng apat sa labanan kahit papano ay naibsan ang pangamba ng mga negosyante sa taas at ng limang kawal na napapagud na sa pakikipaglaban, sa kasalukuyan mayroon pang dalawangput tatlong natitira na mga piratang adventurer. Pito palang ang nagawang mapatay ng limang kawal.

"Maraming salamat mga bata!-"

Whoosh!

Muntikan ng matamaan ng Espada ang Isang kawal kung hindi agad ito nakailag.

Lumapit sa kanyan si Deon at tinulungan siyang kalabanin ang limang piratang adventurer na kinakalaban Niya.

"Walang anuman po ginoo, kailangan namin tumulong para sa ikabubuti ng lahat."

Clang!

Clang!

Ahhh!

Boogshh!

Hiyaw ng dalawang lalaking tinamaan ng Espada ni deon at ng hinagis nitong maliit na bagay na biglang sumabog. Nabawasan ng dalawa ang kanilang kalaban ng kasama niyang kawal.

"Salamat binata! Ang galing mo!" Natutuwang bulalas ng kawal.

Tumango lamang si Deon at seryusong binalingan ang natitira pa nilang kalaban. Magaling siya sa paghawak ng Espada kaya mabilis lang niyang nasasangga ang mga ataki ng kalaban sa magkabilaan, Isa pa niyang ikinalalamang ay dahil magaling din siya sa Pagpapasabog. Ang tunay niyang kapangyarihan ay ang Paggawa ng pulbura na nililikha Niya sa iba't ibang anyo ng pagsabog. Sa ngayon ang kanyang magagamit lamang na pagsabog ay ang kanyang maliliit na bomba na tinatawag Niya na bombus. Akma lamang ito para sa ganun sitwasyon hindi siya maaaring maglabas ng malaking bomba at baka mawasak pa ang buong barkong Kanilang sinasakyan.

Samantala makikita ang dalawang lalaking nagmamasid na nasa kabilang barko, ang barko ng mga piratang adventurer. Sa dalawang lalaking nakatayo ay Mahahalatang ang Isang may edad na ang kanilang pinuno. Matikas ang pangangatawan, may maiksing buhok at may mabalasik na pagmu-mukha. Habang ang Isang lalaki na mas bata pa at mukhang nasa dalawangput taong gulang palang lamang ay malumay lamang ang ekpresyon ipinapakita ng maamo nitong mukha, may mahaba itong kulay itim na buhok, kayumanging balat at may nakasukbit na Pana sa likuran.

"Sino ang apat na kabataan iyon? Mukhang kasing edad mo lang sila, saymara." Basag nito sa katahimikan.

"Hmm mukhang galing sila sa goldbath, dahil sa simbolong nakaukit sa kanilang kasuutan." Malumanay nitong sagot.

Nakakunot-noo parin ang matanda. At maya-maya lamang ay napangiti. "Mga hangal! Akala nila mapipigilan nila tayo? Ha ha ha! Hanggat hindi nakikisali ang tatlong kolonel wala Silang Panama sa atin!" Sabay Tawa nito ng malutong, hinahamak nitong tinignan ang nangyayaring labanan sa kabilang barko.

Napahikab nalang si saymara, at tinatamad na tumugon sa kanilang pinuno. "Tama kayo pinuno, sa lakas ng Lason ibinigay natin sa tatlong kolonel, tiyak ilang oras mula ngayon ay mamatay na ang mga ito."

Napansin nito ang kanyang paghikab. "Inaantok ka na naman saymara, bakit hindi ka nalang tumulong sa Kabila,  Mukhang nagagawa ng apat na kabataan talunin ang ating mga tauhan." Utos nito.

Bumaling naman ng tingin si saymara, mukhang Ngan malalakas ang mga bagong salta, dahil sa kasalukuyan nabawasan na ulit ng sampo ang kanilang tauhan.

"Mayamaya pinuno, pag-aaralan ko muna ang kanilang mga kakayahan."

Napangisi naman ang kanilang pinuno. "Tsk! Magaling ka talaga saymara pagdating sa pagplaplano, ikaw ang utak ng pangkat na ito, hindi ako nagkamaling kupkupin ka" pinagmamalaki nito ang binata dahil dito kaya nagagawa nilang pagnakawan ang mga barkong may mga negosyanteng pasahero upang magtungo sa iba't ibang bayan para sa mga kayamanan kanilang ibinibinta o binibili. Nagiging madali ang kanilang pagpapalakas dahil sa mga kayamanan kanilang nakukulimbat. Tumawa na naman ng malakas ang kanilang pinuno.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now