kabanata 35

107 22 3
                                    


Napatayo silang lahat dahil sa ginawa ni Kaizen, hindi na kasi ito naglakad lang Kundi mabilis itong tumakbo at wala pang sampung segundo ay nakapasok na ito sa guhit at kasalukuyan nakaharap Kay lucitas. 

Kinailangan niyang bilisan at tinakbo Niya na kahit Ilan metro pa ang layo sapagkat nakikita Niyang ilalabas ng babaeng ito ang tunay nitong awrang nasa third level gold rank, kapag napansin nitong kaya Niya pang baliwalain ang awra nitong second level gold rank. at hindi Niya iyon kakayanin. Kaya ginamit Niya ang pagkakataon ng magsalita ito at malingat.

Hinihingal siyang nagsalita. "Maaari mo po bang babaan ulit ang awrang iyong inilalabas, sapagkat hindi ito kakayanin ng aking mga kasamahan." Mapagkumbabang pakiusap ni Kaizen sa nakatulalang si lucitas.

Bumalik naman sa huwisyo si lucitas ng marinig at maintindihan ang sinabi ni Kaizen. Dahil ng tignan Niya ang mga bata ay makikitang halos lahat na ay mawawalan na ng malay dahil sa tindi at bigat ng kanyang awrang nasa second level gold rank. Kaya naman ibinaba Niya na ulit ang kanyang awra patungong second level silver rank. Naiintindihan niyang mayroon kakaiba sa batang nasa kanyang harapan. Hindi ito ordinaryo para magawa nitong baliwalain ang kanyang awrang nasa seconds level gold rank. Tumango siya rito at umupo na pabalik. Habang lumayo narin si kiazen at naghanap ng mauupuan.

"Hmm,,, kakaiba talaga ang batang iyan, mukhang nakuha Niya ang atensyon at interes ng hari at ng  konseho." Saad ni punong tagapamahala.

Narinig naman ito nila Adelina at arthon. Nagkatinginan sila. Maging sila ma'y namamangha, akala nila ay nasa silver rank pa lamang si Kaizen. Mukhang nasa goldrank na ito ngayon.
Sa isip ni ginoong arthon. 'malaki ang nagawang epekto ng pagsasanay nito sa Pag higop ng dalawang enerhiya ng sabay. Ito siguro ang dahilan kung bakit mabilis nitong naabot ang gold rank."

"Haron,," malumanay na tawag ng hari Kay pinunong Haron.

"Ano po iyon mahal na hari?" Magalang na tugon nito.

"Interesado ako sa batang iyon, siya ba ang galing sa angkan redvil?" Tanong ni haring elisiyo.

"Opo mahal na hari, ayon sa aking nakalap mula sa ibinigay na impormasyon ni punong tagapamahala sa mga batang sasalang ngayon ay ang batang iyan ay SI Kaizen mula sa angkan redvil." Paliwanag ni Haron sa hari.

"Hmm, malaki ang potensyal ng batang iyan, nakita mo naman hindi ba, purong pisikal lang ang ginamit niya at hindi gumamit ni katiting na kapangyarihan Pero ang ipinamalas nito sa bilis ng pagtakbo ay katumbas ng nasa goldrank na antas. ako'y nasasabik makita kung ano pa ang kamangha-manghang gagawin nito para sa susunod na antas" nasasabik na Saad ni haring elisiyo.

Sumang-ayon si Haron sa tinuran ng hari, dahil maging siya man ay namamangha sa bata.

Nagsimula ng humakbang ulit ang mga batang adventurer, dahil sa ipinamalas na kakayahan ni Kaizen ay nagkaroon ng inggit ang mga batang galing sa angkan Arcadian, ethold at Farion. Ginamit nila ang nararamdaman nilang inggit upang magpatuloy at bilisang matapos ang pagtatasa. Tatlongpung minuto na ang nakakalipas ng sabay-sabay makapasok sa guhit ang tatlong bata mula sa angkan ethold, Farion, at Arcadian. Limang minuto ang lumipas ay nakapasok narin ang dalawang golers.  kasunod nila ang angkang golass. Sampong minuto bago matapos ang Pag tatasa ay nakapasok narin si zenki at Zara mula sa angkang windillian.

Natapos narin ang unang antas ng pagtatasa, sa kasalukuyan marami ang natangal at hindi na makakalahok pa sa susunod na antas,  sa angkan ethold, Tatlo lang ang nakapasok, sina andi, idan at zenun. Sa angkang Farion naman ay apat, Sina Darwin, Luca, Alexa at maryo. Sa angkang Arcadian naman ay Tatlo, sina inok, Aryan at Lina. nakapasok naman ang dalawang golers na Sina baron at burnok. Habang apat din sa angkang golass, sina Dana, Harriet, Gon at Alvi. Sa angkan windillian naman ay dalawa lang, Sina zenki at Zara.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now