kabanata 43

100 20 6
                                    


Kasalukuyan ng naglalakbay ang newbie group. Dahil sa wala pa sa kanila ang marunong lumipad ay napagpasyahan ng kanilang guro na si Lexington na dumaan sila sa mga kabundukan ng salham na nasa kanlurang dereksyon at Pagkatapos sasakay sila ng barko sa karagatan ng dredid patungong magton, aabutin ito ng mahigit sampong araw kung hindi nila bibilisan ang Pagtakbo sa mga kabundukan ng salham.

Nais ni Lexington na makarating sila ng magton ng wala pang Isang linggo kaya naman nagdesisyon itong tatakbo sila sa pinakamabilis na kaya nila. At hanggat maaari ay iiwasan nilang makipaglaban sa mga adventurer o halimaw na kanilang makikita o makakaharap sa kabundukan.

Palipat-lipat ang talon na ginagawa ni Kaizen sa bawat puno. Namamanghang ang kanyang mga kasama dahil mas nauuna pa ito kaysa sa kanila na kung tutuusin ay mas mataas pa ang kanilang antas kaysa rito. Nakakaya ni Kaizen na makasabay sa kanilang guro. Nasa second level sky rank ang antas ng kanilang guro. Kaya maging ito man ay di maiwasan bumilib sa pinapakitang katatagan ng batang si Kaizen at sa bilis nitong tumakbo.

Kung ang iba niyang kasamahan ay hinihingal na, siya naman ay parang balewala lang, walang bakas na pagkapagud ang kanyang mukha.Ito ang bunga sa ginawa niyang pagsasanay sa pangangalaga ni Leon nung unang beses siya nitong sanayin sa mundo ng gwalima.

Patuloy lang sila sa kanilang ginagawa, takbo, talon, umiwas sa mga halimaw. Hanggang sa makaabot na sila sa hangganan ng bundok ng salham.

Naunang nakarating sina Lexington at Kaizen. Huminto muna sila at umupo sa Isang malaking bato. Nasa gilid sila ngayon ng Isang baangin, makikita sa baba ang Isang munting bayan ng salham at ang malawak na karagatan.

"Dito nalang natin sila hintayin Kaizen. Ang nakikita mo sa baba ay ang bayan ng siit, Isa sa bayan ng bansang salham. Diyan tayo sasakay ng barko patungong magton, dadaanan natin ang baybayin ng dridid bago makarating doon." Paliwanag ng kanyang guro ng mapansin nitong nakatingin siya sa baba.

"Ahm sige po guro, napakaganda naman po rito," kumento Niya sa tanawin kanyang nakikita.

Tumango si Lexington bilang pagsang-ayun. "Tama ka Kaizen, maganda at maaliwalas ang lugar na ito, simple lang ang pamumuhay ng mga mamayan naninirahan dito sa siit."

Napansin nga ni Kaizen, kahit ilang milya pa ang layo nila sa bayan ng siit sa baba mula sa kinatatayuan nilang bangin ay malinaw niyang nakikita ang pangkaraniwan pamumuhay ng mga mamayan naroon. Nakikita Niya na ang pangunahing hanap-buhay ng mga ito ay ang pagkuha sa mga likas na yaman galing sa karagatan. Ang mga taga-siit ay hindi mga adventurer na tulad nila, mas pinili ng mga ito ang maging simpli at makuntento sa buhay na mayroon sila, hindi sila mahilig makipaglaban o makigulo sa gulo ng iba, kahit parti pa sila ng bansang salham ay hindi sila nakikisali sa mga labanang kinasasangkutan ng kanilang hari para sa kanilang bansa laban sa ibang bansang nais manakop.

Pero hindi rin naman sila basta-basta, hindi man sila nakikipaglaban ay hindi ibigsabihin ay napabayaan na nila ang kanilang pagsasanay sa pakikipaglaban. Nagsasanay parin sila upang maging malakas ng sa ganun ay magawa nilang maprotektahan ang kanilang bayan mula sa mga masasamang adventurer na dumadayo at nais manggulo. Nais nilang mapanatili ang masaya at simpling buhay na tinatamasa nila.

Sabay-sabay na nagsidatingan ang apat, Makikitang hinihingal pa ang mga ito dahil sa tatlong araw na walang tigil sa pagtakbo ng mabilis.

"Bibigyan ko kayo ng Isang oras na pahinga, pagkatapos ay baba na tayo ng sa ganun ay makasakay tayo sa huling barkong lalayag patungong magton." Ani ni Lexington.

Nagsitanguan naman ang apat na hinihingal. Kanya kanya sila ng pwesto. Si Deon at xim ay humanap ng malaking puno na may malapad na sanga doon nila piniling magpahinga. Habang si Ella at hara naman ay lumapit Kay Kaizen na kasalukuyang nakaupo sa malaking bato.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now