kabanata 12

111 24 8
                                    

Sa Isang silid ay makikita ang Isang matandang lalaki na nasa edad animnapo.  nakaharap ito sa Isang larawan na nakasabit sa dingding ng kanyang opisina.
Matiim Niya itong tinititigan habang umiinom siya ng alak. Makikita sa kanyang mga mata ang pananabik at paghahangad sa bagay na nakaguhit sa larawan. Mayamaya lang ay napahinto ito sa pag-inum, Dahan Dahan itong humarap sa kanyang likuran, sapagkat nararamdaman Niya ang Isang presensyang paparating. Mayamaya lamang ay may Isang nilalang ang mabilis na pumasok sa nakabukas na bintana.

"Pinuno, narito na po ako" Saad ng bagong dating, habang nakaluhod ang Isang binti bilang pagbibigay pugay. Ito ang adventurer na inatasan niyang magmasid sa territoryo ng mga redvil. Si Lucas, Isa sa mga magagaling niyang espiya. Nagtataglay ito ng 4th silver rank, at ang espisyal nitong   kapangyarihan ay ang gumaya sa iba't ibang katauhan ng tao. bihasa rin ito sa paggamit ng katana.

Nilagay niya ang kanyang baso na wala ng laman sa ibabaw ng lamesa at umupo habang nakataas ang mga paa. "Kamusta ang ginawa mong pagmamanman sa mahinang angkan nayun." Panghahamak Niya sa angkan ng redvil. Siya si Ronaldo Gustav ,ang pinuno ng angkan nila. Nagtataglay siya ng ika-limang antas ng gold rank. Ang kanyang kapangyarihan naman ay sa pagkuntrol ng mga bagay bagay. Siya'y Isang mapagmataas at mapaghangad na pinuno. Para sa kanya ang angkan ng redvil ay Isa lamang piste na kailangan Niyan paalisin. Hinahangad niyang makuha ang teritoryo ng mga ito sapagkat may kailangan siya sa lugar na iyon. At magiging balakid lamang ang mga ito sa kanyang mga plinaplano.

Nang marinig Niya ang tanung ng kanyang pinuno ay tumayo na siya, sisimulan Niya na ang pag-uulat dito. "Sa kasalukuyan ay nagmamatigas parin ang angkan nila, ayaw nilang umalis at humihingi sila ng tulong sa palasyo".

"Hahaha! Mga hangal talaga, anong akala nila? Matutulungan pa sila ng palasyo?" Tumatawang Saad niya.

"Pero may naisip Silang paraan upang bigyan sila ng pansin ng palasyo".  Dugtong ni lucas.

Agad Naputol ang pagtawa ni pinunong Ronaldo. At napataas ang kilay nito. "At ano namang paraan iyon?" Tanong Niya.

"Sa pamamagitan daw ng kanilang ka-angkan na Isang bata. Ito raw ay nakapasa sa pagtatasa para sa pagpasok sa goldbath Academy." Seryusong Paliwanag ni Lucas.

"Hmm kung ganun, yan ang kanilang nakikitang solusyon mula sa panggigipit natin sa kanila, sabagay, pagnagawa nga naman ng batang iyan ang makapasok sa goldbath at magkaroon ng magandang opportunidad na mapasali sa elite quads, mukhang mahihirapan nga tayong mapaalis sila dahil siguradong proprotektahan na sila ng palasyo." Bulong nito, sumeryuso itong tumingin Kay Lucas. "Nasaan na ang batang ito?"

"Sa aking pagmamasid, nagawa Kong matunton ang kanilang bahay. At narinig Kong nag uusap ang mga magulang ng bata, nag -aalala ang mga ito sapagkat nawawala raw ang kanilang anak". Saad Niya.

Sumilay ang ngisi sa kanyang mukha, may masama siyang naisip. "Siguro ay nasa gubat lang ang batang iyan. Bakit hindi ka bumalik doon at hanapin mo ang kanilang nag iisang Pag -asa." Mungkahi ni Ronaldo.

"Ano po ang gagawin ko sa bata kapag nahanap ko na ito." Tanong Niya.

"Patayin mo, mabuti ng hanggat Maaga ay atin ng wasakin ang sumisibol nilang katiting na pag-asa.!" Utos nito habang humahalakhak.

"Masusunod pinuno" ngumingising Saad ni lucas. Yumuko pa siya bago umalis ng mabilis.

"Kaawa-awang angkan, di magtatagal at mapapaalis ko Rin kayo. Hindi rin magtatagal at mahahanap ko Rin ang makapangyarihang bato. At pagnagkataon, makakamit ko na ang lakas ng higit pa sa Isang sky rank!" Tumatawang wika nito habang nakatingin sa larawang nasa kanyang silid. Ito pala'y larawan ng Isang bato na may iba't ibang kulay. "Ako ang makakahanap sayo, ako ang magiging itinakda". Tumatawang Wika nito habang patuloy na pinagmamasdan ang bato sa larawan.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now