kabanata 56

85 18 3
                                    


Narito na sila ngayon sa silid pagpupulong ng angkan legira, dito naisipan ni pinunong alfo gawin ang pag-uusap nila sa mga taga-golbath. Pinaupo Niya ang mga ito sa mga bakanting upuan sa kabilang mesa habang sila nina elder rex, elder misha, Shaira, at Peyton ay umupo katapat na upuan ng mga ito.

Pinasadahan Niya muna ng mga tingin ang lahat bago nagsimulang magsalita. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, labis kaming nabigla sa aming nasaksihan, buong akala namin ay tangin si Shaira lamang ang may kakayahan sa maalamat na white alchemy flame, Pero hindi namin akalain na Pati ang batang ito (turo nito Kay Kaizen) ay may kakayahan din sa puting apoy." Makahulugan itong tumingin Kay Lexington.

"At di lang iyon, mas magaling din siya sa paggamit ng puting apoy at halatang bihasang-bihasa na siya sa pagiging alchemist, patunay sa nagawa Niyang lunas kanina sa loob Lamang ng sampong minuto." Namamanghang dagdag na pahayag ni elder rex.

Nagpahayag din ng pagsang-ayun sina elder misha at kapitan Peyton. Habang seryuso lang ang ekpresyon ng mukha ni ginoong Lexington. At marahan nagsalita upang sagutin ang hindi direktang pagtatanong ni pinunong alfo.

"Pasensya na, Alam Kong nais niyo rin itanong sa aking ang tungkol sa bagay na ipinamalas ng aking studyanteng si kaizen. Pero maging ako man at ng aking ibang studyante ay ngayon pa lamang nalaman ang ganitong kakayahan ni Kaizen, buong akala ko ay Isa Lamang siyang talendadong bata na may kakayahan sa dalawang elemento. ang apoy at ang hangin. Hindi ko akalain na Isa din pa la siyang mahusay na alchemist gayun napakabata Niya pa." Mahabang Paliwanag niya.

Nagulat ang mga taga legira sa mga sinabi ni Lexington, ganun pa man ay nauunawaan nila kung bakit isenekreto ito ng bata. Masyadong mapanganib para dito kung maraming makakaalam nang kanyang pagtataglay ng pambihirang kakayahan at kayamanan.

Lahat sila ay dumako ang tingin sa batang si Kaizen.

"Bata kailan mo pa nalaman ang iyong kakayahan sa alchemy?" Panimulang tanong ni Lexington.

"At sino ang ang nagturo sa iyo kung paanu gamitin ang puting apoy?, at papaano mo nalaman kung papaano ang Tamang Paggawa ng lunas sa sakit ni zanaya?" Dagdag na tanong ni elder misha.

Napalunok si Kaizen, alam niyang darating ang ganitong sandali sa oras na ipakita Niya sa mga ito ang kanyang kakayahan sa alchemy at ang kanyang puting apoy. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan nagsalita. "Nalaman ko po ang kakayahan ko sa apoy mula nung magawa Kong maging aktibo ang aking star system, kasabay din po nito ay may nakuha po akong Isang libro kung saan nakasulat ang mga impormasyon Alam ko sa alchemy, maswerte ko lang po natagpuan ang Isang mahiwagang libro ng minsan mapadpad ako sa Isang kuweba kung saan ay mayroon Isang bangkay akong nakita na sa tiyak ko po ay siyang  nagmamay-ari ng mahiwagang libro." Pagsisinungaling Niya, hindi Niya maaaring sabihin sa mga ito ang tungkol Kay Haring Amer at sa mahiwagang batong kapangyarihan nito na ipinasa sa kanya.

"Nasaan na ngayon ang mahiwagang libro na sinasabi mo?" Mahihimigan ang pagkakaroon ng interes ni pinunong alfo sa libro.

Napangiwi naman si Kaizen at nagsalita muli. "Hmm nu-nung matapos ko pong basahin ang libro ay kusa po itong nasunog" Kinakabahan siya sa kanyang pagsisinungaling, hindi kasi siya sanay at hindi siya pinalaki ng kanyang ama at ina para magsinungaling.

Hindi naman nahalata ng mga naroon ang kanyang kasinungalingan. Buong akala nila ang dahilan ng pagkakautal-utal ni Kaizen at ang hindi nito pagtingin ng deretso sa kanila ay dala lamang ng takot nito dahil sa natuklasan na nila ang tinatago nitong kapangyarihan.

Napabuntong hininga si pinunong alfo. "Ang  iyong ginintoang palayok, doon mo rin ba nakuha?." Pagtatanong nito

"Opo"

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now