kabanata 61

102 20 3
                                    

Aahhhhhh!!!

Napapikit at Napasigaw nalang Sina hara at Ella ng makita nilang lalamunin na sila ng apoy.

"Firedome!"

Malakas na sigaw ni Kaizen, mula sa mga kamay nito ay lumabas ang napakalaking lilang apoy na siyang pumigil sa Muntikan ng paglamon ng apoy kina Lexington. Ngayon ay nagtatagisan sila ng lakas sa kapangyarihan apoy ng nilalang na nasa labas.

Napatulala nalang ang mga naroon sa kanilang nasasaksihan. Ngunit napapansin nilang matatalo ang apoy ni kaizen sapagkat hindi naman ito sapat.

Alam iyon ni kaizen kaya naman sumigaw ulit ito upang kuhanin ang atensyon ng mga naroon.

"Guro, mga kasama! Panandalian ko lamang mapipigilan ang kanyang apoy, kaya pakiusap magsialisan na kayo, dumaan kayo sa butas na nasa taas.!" Nagmamadaling Utos Niya sa mga ito.

"Pero paano ka!" Nag aalalang tanong ni hara.

"Su-susunod din ako! Bilisan niyo na!"

Mabilis na tumango si Lexington at humarap sa dalawang studyante ni Doumin.

"Ako na ang aalay sa guro niyo... madali lang naman sa Inyo ang lumipad kahit may bitbit kayong dalawang tao diba?" Mabilis nitong tanong sa dalawa, nagkatinginan muna ang mga ito at tumango. "Mabuti, ikaw si Damian diba? Ikaw ang umalalay kina hara at Ella, habang ikaw Mirko, alalayan mo sina Deon at xim."

Walang tanong-tanong ay Agad lumapit ang dalawa sa apat. Hindi Sana sang-ayon sina hara Pero wala Silang magagawa Kundi ang sumunod nalang dahil wala naman ibang daanan Kundi ang butas sa kanilang uluhan, at dahil wala Silang kakayahan lumipad katulad ng mga ito ay pikit matang humawak nalang sila.

"Kaizen! Sumunod ka agad!" Sigaw ni Lexington bago tuluyang pumasok sa butas.

"Opo guro!"

mabilis lumipad si Lexington habang hawak si Doumin. Sumunod dito si damian habang hawak sa magkabilang braso sina Ella at hara. Sumunod narin si Mirko habang hawak din sa magkabilang braso sina Deon at xim.

Ng makita ni Kaizen na nakatakas na Sina Lexington ay pinagtuunan Niya na ng pansin ang pinipigilang apoy. Nag ipon siya ulit ng enerhiya. At ng makita niyang sapat na ay mabilisan niyang dinagdagan ang kanyang apoy at pwersahang itinulak.

"Aahhhhhh!"

Bang!

Rumble!!!!

Biglang sumabog kaya Agad siyang lumipad at lumusot sa butas. Muntikan pa siyang maabutan ng apoy sa lakas ng pagsabog.

Napahinga nalang siya ng malalim. Malaki ang enerhiyang nagamit Niya sa pagbuo ng teknik na iyon. Kaya mabilis siyang naglabas ng recupill at kinain Niya ito ng sa ganun ay manumbalik agad ang kanyang lakas.

--

Napakunot ang noo ng dragon ng mapansin niyang may pumipigil sa kanyang apoy, hindi Niya masyadong nilakasan ang kanyang pagbuga, Tama lang upang matusta ang mga pipitsugin adventurer na nasa loob. Kaya naman ay labis ang kanyang pagtataka ng maramdaman may pumipigil sa kanyang kapangyarihan. Binawi Niya ito upang tignan kung ano iyon kaya nagulat siya ng ilang sandali lamang ay may bumulusok na kulay kahel na apoy! Katulad ng sa kanya! Sumabog ito sa kanyang mukha Pero baliwala lamang ito sa kanya at hindi manlang siya nagalusan.

"Kulay kahel na apoy?... Hmm.. Interesante, mukhang may ibang nakapasok dito sa loob ng aking tahanan na hindi galing sa nakakasukang angkan na iyon. Sino kaya ito, di bali tiyak Kong makakaharap ko rin ang nagmamay-ari ng apoy na katulad sa aking apoy." Wika nito.

Ng wala ng maramdaman na presensya sa loob ng maliit na kuweba iyon ay lumipad na ito. 'tsk! Kahit saan kayo Magpunta mahahanap at mahahanap ko kayo!"

Roar!!!!

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now