kabanata 21

95 24 2
                                    



"Pinuno, nagawa na po namin ang iyong pinag-uutos, sa ngayon siguradong kumikilos na po siya" Saad ni Lucas habang nakaluhod ang Isang tuhod sa harap ng kanilang pinunong Ronaldo.

Dahan Dahan tumayo ang pinuno at humarap sa larawang nasa dingding.
"Mabuti kung ganun, sa oras na mamatay na yang batang yan, simulan na natin ang matagal na natin pinaplano, kaylangan mapasok natin ang teritoryo ng mga redvil, dahil naroon ang daan para makapasok sa mahiwagang kuweba kung nasaan itong mahiwagang bato." Makikita sa kanyang mga mata ang kislap at paghahangad sa bagay na nakapinta sa larawan. 'matagal na akong naghihintay, ngayon nalaman ko na ang iyong saktong lokasyon, mapapasaakin ka narin sa wakas!' sa isip Niya.

Paano nga ba Niya nalaman ang tungkol sa mahiwagang bato?. Ito ay dahil sa kanyang lola noong bata-bata pa siya, sinabi nito sa kanya ang pagkakaroon nito ng pangitain tungkol sa Isang propisiya. Ilang taon mula ngayon. mayroon daw magaganap na delubyo sa kanilang mundo.  Mawawasak ang ilang bansa, marami ang mamamatay, Dahil sa mga nilalang daw na may maiitim na kulay , may mahabang sungay sa ulo at buntot at nagtataglay ng malalakas at mapangwasak na kapangyarihan. Ngunit mayroon daw Isang tao na mas makapangyarihang sa lahat ang makakatalo sa mga nilalang na iyon. Ang tao daw na ito ang magiging itinakda na maging hari sa lahat ng hari. Ang taong makakakuha sa batong makapangyarihang mula sa Isang hari na nagmula sa ibang dimenyons at panahon ang  siyang magtataglay ng kapangyarihang di kayang sukatin ninuman.
Matatagpuan raw ang mahiwagang bato sa Isang kuweba. Tinanong Niya ang kanyang lola kung saan kuweba dahil napakaraming kuweba sa kanilang mundo. Ang Sabi nito, ang kuweba raw ay matatagpuan sa bundok na mayroon puno na may iba't ibang kulay ang mga dahon. Sa kanilang paghahanap sa bawat bansa, sa wakas may nakapagsabi narin sa kanila na ang punong ito ay matatagpuan raw sa teritoryo ng mga redvil. Kaya gumawa siya agad ng paraan na makapasok sa angkan ng mga redvil para mag-imbistiga kung talaga ngan nasa redvillian ang punong hinahanap niya. Madali lang ang kanilang pagpasok dahil mahihina lang naman ang mga redvil ni hindi napansin ng mga ito ang kanilang presensya. kaya nagawa nila agad na makapunta sa gubat. Sa paggalugad nila sa kagubatan, ay nakita narin nila ang punong may iba't ibang kulay ang mga dahon. Palatandaan na malapit lang ang mahiwagang kuweba kung nasaan ang mahiwagang bato. Nais na Sana niyang mahanap ang kuweba kaya Lang may dalawang nilalang ang humarang sa kanila. Ang dalawang ito ay higit na mas malakas kaysa sa kanya na nasa 1st goldrank palang. Ang mga Ito pala'y itinilagang bantay mula sa palasyo Para sa teritoryo ng redvillian village. Kaya wala Silang nagawa Kundi ang umatras na muna. At gumawa ng mas konkretong plano. Hindi maaring malaman ng mga taga goldbath ang tungkol sa mahiwagang bato  at sa propesiya, dahil magiging kakumpentesya pa Niya ang mga ito.
Kaylangan siya lang ang makakuha sa mahiwagang bato at tanghaling pinakamalakas sa lahat. Gusto niyang maging hari sa lahat ng hari.

Ito ang dahilan kung bakit lumapit siya sa hari ng goldbath at humingi ng permiso na maging bahagi ng mga nasasakupan nito. Sa una ayaw silang tangapin, Pero ng ipakita niya sa hari ang kanilang magagandang gawa at dekalidad na armas para sa mga adventurer ay pumayag na ito. Mas higit naman kasi na maganda ang gawa nilang Armas at mas kapakipakinabang kumpara sa gawang Armas ng angkan redvil. Kaya nilang gumawa ng high tier armament at kasalukuyan nag-aaral para sa epic tier armament.

Ngayon unti-unti ng naisasakatuparan ang kanilang mga plano. May ilang mga angkan na ang nakikipagkaibigan na sa kanila at pabor na kunin nila ang teritoryo ng mga redvil. Kaya Lang ang hari ay hindi pa sila pinapayagan sa kadahilanan wala pang sapat na dahilan ito para paalisin ang mga redvil. At higit pang naging alanganin dahil sa batang iyon na may pag-asang maging elite quads. Kaya kailangan talagang mawala ang batang iyon. Tinik ito sa kanilang mga plano.

-----

Aaaugh!,,,

Napaigik si Kaizen ng matamaan siya sa balikat ng patalim mula sa lalaking nakaitim. Dumaloy ngayon ang masaganang dugo mula sa kanyang balikat. Hinawakan Niya ito at diniinan, mayamaya lamang ay kusa na itong gumaling. Pasalamat talaga siya sa Kanyang white flame. Isa sa kakayahan nito ang pagalingin siya agad.

The Prophecy From Lower Realm Où les histoires vivent. Découvrez maintenant