kabanata 53

101 17 5
                                    


"Naramdaman niyo ba iyon?" Nagtatakang tanong ni Lexington sa kanyang mga studyante. Kasalukuyan Silang nasa kagubatan ng wudang, nagbabakasakali Silang baka dito ang deriksyon Napuntahan ni Kaizen.

Tumahimik naman ang apat, at mas pinakiramdaman ang paligid, Maya Maya lamang ay sumagot si Deon, "opo guro, kakaibang awra, nagtataglay ito ng kakaibang lakas"

"At ito ay nakakapagbigay ng banayad na pakiramdam at para bang hindi kailangan katakutan kahit na napakalakas nito." Usal din ni Hara.

Pumikit si Ella, "sandali ko lang naramdaman Pero hindi mawala sa aking sistema, ang Sarap Niya sa pakiramdam" wika din nito habang ninanamnam ang sarili.

"Kahit ako, ito ang unang beses Kong naramdaman ang ganitong awra, malakas, mabagsik Pero nakakapagbigay ng kalulhuwatian, Isang awrang marilag, parang mula sa Isang tunay na maharlika ang nagmamay-ari." Di mapigilang kumento ni Lexington, sumang-ayon naman sa kanya ang apat. Sa kanilang isipan 'ano o kanino naggaling ang awrang iyong?'

"Posibling bang may nabubuhay pang maharlika sa panahon natin ngayon?" Nakakunot-noong tanong ni Ella ng marinig ang sinabi ni Lexington.

"Imposibli iyon, ayon sa nalaman ko tungkol sa mga maharlikang nabiyaan ng kapangyarihan mula sa mga Diyos ay naglaho na, dahil sa pagdaan ng daang-daan taon ay bumababa ang kalidad ng kanilang kapangyarihan dahil sa paghati-hati at  pagsalin-salin nito sa iba't ibang nilalang." Lahad naman ni Deon.

Tumango naman si Lexington. "Tama ka Deon, nawala ang maharlikang kapangyarihan mula sa mga Diyos dahil sa kasakiman natin mga tao. Ang Isang maharlika ay nagkakaroon lamang ng Isang supling, at ang supling na ito ay siyang magmamana sa kapangyarihan, kaya Lang dahil mahina pa ang kanilang katawan bilang Isang sanggol o batang may edad isa hanggang sampo ay madali lamang kunin o agawin sa kanila ang kanilang kapangyarihan. Ito ang rason kung bakit nagkaroon tayo ng iba't ibang kapangyarihan, dahil sa tuwing inaagaw ng Isang adventurer ang kapangyarihan mula sa batang nagtataglay nito ay bumababa ang kalidad nito at nag-iiba ng kakayahan." Paliwanag Niya.

Napaisip naman si xim "Pero dahil sa mga kayamanan atin nakukuha ay nagagawa parin natin itong hasain at gawing malakas diba guro?"

Ngumiti naman si Lexington. "Tama ka, bumaba man ang kalidad nito ay hindi ibigsabihin hindi na natin kayang paunlarin. Gamit ang Tamang pagsasanay at Paghigop sa iba't ibang kayamanan ay magagawa parin natin palakasin ang ating mga kapangyarihan, hindi nga lang kasing lakas ng maharlikang kapangyarihan." Sagot Niya rito.

"Hanapin na natin si Kaizen, baka nasa panganib na siya." Pag-iiba ni hara, nag-aalala na siya para sa batang iyon, na ngangamba siya na baka may nakasagupa ito ng malakas na nilalang at baka ang nilalang na iyon ang nagmamay-ari ng maharlikang awra.

Naintindihan ni Lexington ang nais ipahiwatig ng pag-aalala ni hara. Kaya tumango siya at seryusong nagsalita. "Tama si hara, huwag na muna natin isipin ang naramdaman natin kanina, ang prayoridad natin ngayon ay mahanap si Kaizen. Ipagpatuloy na natin ang paghahanap."

Sumang-ayon ang apat, kanya-kanya Silang tumalon at sumunod sa kanilang guro na kasalukuyan lumilipad pataas upang mas mapadali nitong mahagilap si Kaizen sa paligid.

----

Kasalukuyan nakatunghay sina shaira at ang kanyang pinuno sa natutulog na si kaizen.

"Kilala mo ba ang batang iyan Iha?" Tanong ng pinuno ni Shaira.

Hindi lumingon Pero tumugon si Shaira. "Opo pinuno, siya po si Kaizen mula sa bansang goldbath, naligaw lang po siya rito sa ating tiretoryo habang papunta sila sa bayan ng Bura. Siya rin po ang tumulong sa akin sa Pagkuha ng sangkap mula sa halimaw. At siya rin ang tumulong sa akin ng muntikan na akong patayin nina wayom." Paliwanag Niya rito.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now