kabanata 26

96 23 4
                                    


Matiim ngayon ang tingin ipinupukol ni Neryum Avox sa lalaking nakatayo sa harapan ng batang kanya dapat papatayin. Ng buong akala Niya na mapapatay Niya na ang bata ay biglang may Isang tao ang dumating sa harapan nito at buong lakas na pinigilan ang kanyang bolang kuryente at itinulak sa ibang direksyon. May naramdaman siyang Isang presensya na papalapit sa kanya mula sa likuran kaya mabilis siyang naglaho at lumipat sa Sanga ng isang puno.

Bang!

Tunog ng tumama ang Isang mahabang latigo na gawa sa ugat sa dating pwesto ni Neryum Avox. Mabuti nalang at mabilis siyang nakaiwas, nang mahawi ang alikabok ay makikitang nakatayo ang Isang babaeng ada, na may hawak-hawak na latigong ugat na may mga tinik.

"Hmph,,, sayang naman, hindi tinamaan," may panghihinayang nitong Saad. Tumingin ito Kay Kaizen at lumapit. "Kumusta bata, mabuti at buhay ka pa?. Eto kasing guro mo, ang bagal-bagal, ayaw pang maniwala na hindi ka aabot sa pinag-usapan natin tagpuan, sa lakas ba naman yang kalaban mo, imposibling matakasan mo yan." Paninisi nito Kay arthon.

Napakamot nalang sa ulo si ginoong arthon. "Oo na, kaya nga pasensya, masyado Kong minaliit ang sitwasyon. Akala ko, hahayaan ka niyang mas makapasok pa sa pinakaloob. Hehe" hingin paumanhin niya nalang.

Napairap naman si Adelina, at lumapit Kay Kaizen, binuhat Niya ito at dinala sa gilid ng Isang bato. Tumingin ito pabalik Kay ginoong arthon. "Ako ng bahala sa batang ito, at tutulungan Kong mapagaling ang mga pinsalang natamo nito. Ikaw, siguraduhin mong matatalo mo Yun at alamin mo kung sino siya." Seryusong utos Niya dito.

Napabuntong hininga si arthon. Tumango siya, Pero sa totoo lang ay hindi siya sigurado kung matatalo Niya ang lalaki, kahit magkasing-antas lang sila ay nararamdaman niyang mas malakas ito kaysa sa kanya. Tumingin siya sa lalaking na nakatayo parin sa Isang Sanga ng puno. Mariin Niya itong tinitigan. 'ikaw ba si Neryum Avox?' tanong Niya sa isipan.

Kumplikado ang nararamdaman ni neryum. 'lintik na, ito ang iniiwasan kong mangyari, ang makaharap  ang dalawang ito.' saisip niya ay nagbabalik ang masasayang alaala Niya sa dalawang taong nasaharapan Niya. Lihim siyang napabuntong hininga. 'kailangan ko lang naman ay ang patayin ang bata, kaya pipilitin Niya nalang iwasan ang dalawa.' sa isip Niya.

"Sino ka? Paano ka nakapasok sa isla? Dati ka bang estudyante rito?" Sunod-sunod na tanong ni Arthon. Gusto niyang marinig ang boses nito, dahil makukumpirma Niya ang kanyang hinala kung maririnig Niya ang boses nito. Ngunit nabigo siya dahil hindi ito nagsalita, sa halip mabilis itong naglaho at mabilis na nagtungo kina Kaizen at Adelina.

Nabigla Sina Kaizen at Adelina, mabuti nalang at mabilis na nakakilos si Adelina at nakagawa siya ng matibay na depensang Harang na gawa sa mga ugat at malalaking dahon mula sa kanyang kapangyarihan para protektahan sila sa biglaang  atake ng lalaking nakamaskara. "Aba't talagang disidido itong tudasin ka bata," naiinis na pahayag niya.

Hindi naman umimik si Kaizen, napapansin Niya kasi sa galaw ng lalaking nakamaskara na para bang umiiwas itong makipaglaban sa kanyang guro.

Mabilis na lumipad si arthon at nagtungo kina Adelina. Habang siya ay lumilipad ay gumawa siya ng Isang maliit na ipo-ipo at inihagis sa lalaking nakamaskara, ng malapit na ang Kanyang ipo-ipo sa kalaban ay biglang itong lumaki kaya nagawa nitong mahigop ang lalaking nakamaskara, at tumilapon ito sa Isang malaking tipak na bato.

Bang!

Malakas na pagbagsak ng kanyang katawan sa tipak na bato. Dahan-dahan siyang Umalis at tumayo mula sa pagkakadikit niya sa bato. Makikitang may naiwan na bakas ng kanyang katawan dito. Pagpapatunay na malakas ang kanyang pagkakatama dito. Ngunit dahil Isa siyang goldrank ay hindi ito masyadong nakaapekto sa kanya.

The Prophecy From Lower Realm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon