kabanata 32

117 23 1
                                    




Nagmulat ng mga mata si Kaizen, una niyang nabungaran ang kulay abuhing kisame, tumingin siya gilid ng kanyang kama, dahil may naririnig siyang mga huni ng ibon sa may bintana. Dahan-dahan siyang bumangon at lumapit sa bintana, nakita niyang may malapit palang puno at nandoon ang mga ibon parang mga naglalaro dahil sa paikot-ikot lang ang mga ito habang lumilipad. Napangiti siya at nilanghap ang sariwang hangin mula sa ibang kalikasan. Maayos lang ang kanyang pakiramdam, sadyang napagod lang siya sa ginawa niyang pagpapagaling sa kapatid ni Neryum.

Naramdaman niyang may pumasok sa silid na kinaroroonan Niya kaya lumingon siya dito.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam bata?" Nakangiting tanong ng Isang napakagandang dalaga.

"Opo binibini." Nakangiti rin niyang sagot.

Lumapit ito at tumabi sa kanya, masaya itong tumingin sa labas at pinagmasdan ang mga ibon lumilipad. "Mabuti naman, ako nga pala si lira, kapatid ni kuya Neryum." Pagpapakilala nito sa kanya.

"Ikinagagalak kitang makilala binibining lira,  ako nga pala si Kaizen redvil,"   sagot Niya.

Lumingon ito sa kanya. "Maraming salamat sa pagdugtong ng buhay ko kahapon, ng dahil sayo magagawa ko ng mabuhay ng mas matagal kasama ang aking kapatid". Sinsero nitong pagpapasalamat.

Mapagkumbabang tumugon si Kaizen. "Wala iyon, hanggat kaya Kong tumulong, tutulong ako sa abot ng aking makakaya."

Lumapad ang ngiti nito. "Ang swerte namin ng kuya ko at nakilala ka namin, tiyak marami pa kaming makikitang kamangha-manghang magaganap sa hinaharap dahil sa iyo., lalo Na't sinong mag-aakala na ang may hawak sa maalamat na white elemental flame na ilang milyong taon ng di umuusbong ay narito na. Nararamdaman Kong magiging mas malakas ka pa kaysa sa mga haring narito.  Sabik akong masaksihan iyon Kaizen". Mahabang Saad nito. Makikita sa mga mata nito ang labis na paghanga at pananabik.

"Tama ka aking kapatid, malaki ang potensyal ni master Kaizen sa pagkamit ng lakas na hindi mapapantatayan ninuman," nakangiting wika ni Neryum, nakapasok n pala ito sa silid ng di nila namalayan, habang kasunod nito sina ginoong arthon at Adelina.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo Kaizen?" Mahinahong tanong ni Arthon.

"Opo guro"

"Mabuti naman, sapagkat kailangan na natin makaalis at makabalik agad sa paaralan, dahil nagpadala ng mensahi si maryana na bibisita raw ang punong tagapamahala at mga konseho Pati narin ang hari sa gaganapin buwanang pagtatasa  upang saksihan kung mayroon bang mapapabilang sa elite quads mula sa mga mag-aaral na nasa gusaling Principiante." Mahabang Paliwanag ni arthon.

"Nakapagtataka nga at medyo napaaga ang buwanang pagtatasa, tiyak may nangyayaring ngayon sa palasyo at mukhang hindi maganda." Komento ni Adelina.

"Maaaring Tama ka Adelina, magkaganun pa man, kailangan na natin umalis, kailangan Isa si Kaizen sa mapili upang mapabilang sa elite quads." Seryusong Saad ni arthon.

"Huwag Kang mag-alala guro, magagawa Kong mapabilang sa grupong iyon." Makikita sa mga mata nito ang kaserysuhan at didikasyon mapabilang. Hindi para sa kanya Kundi para sa kanyang angkan.

"Master" tawag ni Neryum Kay Kaizen at bumaling naman ito sa kanya. "Naiintindihan mo na ba kung ano ang koneksyon natin dalawa?"  Tanong Niya rito.

"Ngayon nabanggit mo ang tungkol diyan ginoong Neryum, ano nga ba ang ginawa mo? Bakit tinatawag mo akong master?". Inosenting tanong ni Kaizen.

Umupo ito sa kama upang Pumatay kay Kaizen. "Gumawa Ako ng panunumpa mula sa kalangitan at sa mga Diyos na ako ay iyong magiging tagasunod at iaalay ko maging ang aking buhay para maprotektahan ka lang. Kaya simula sa araw na iyon at hanggang sa iyong pagkamatay ay mananatili akong iyong alipin at ikaw ang aking master. " Paliwanag Niya rito.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now