kabanata 55

84 22 4
                                    


"Pero nabigo ako pinuno,,, bakit? Sinunod ko naman ang nakasaad sa libro, lahat naman ng mga sangkap ay nakumpleto ko, bakit pumalya ako?" Nanlulumong napaupo at patuloy na naguguluhang tanong ni Shaira.

"Siguro ay dahil nagkulang ka sa enerhiya shaira, napansin ko kasi kanina na habang ginagawa mong tunawin ang dahon ng vixem  ay hindi mo ito lubusang nalusaw agad at huminto ka, Dahil naubusan ka na ng sapat na enerhiya."  Komento ni elder Misha.

Napalingon naman si Shaira dito. "Pero, sandali lang naman iyon at naipagpatuloy ko naman agad,-" pagbibigay rason Niya Sana Pero napahinto siya ng magsalita ang kanilang pinuno.

"Kung ganun, doon ka pumalpak, diba pinaalalahanan na kita, na sa Paggawa ng lunas na iyon ay kailangan Pulido at derederitso, sa tuwing tinutunaw natin ang halaman vixem ay kailangan hindi tayo tumitigil kahit saglit lamang dahil mahihinto nito ang prosesong nangyayari, ang prosesong paghihiwalay sa katas ng vixem mula sa nakakamatay nitong Lason.  kahit ipagpatuloy mo pa ay mabibigo Ka ng maihiwalay ng lubusan ang lahat ng Lason."  Mahabang Paliwanag nito.

Napatungo si shaira, "kung ganun kasalanan ko" tumulo ang kanyang luha.

Naaawa Silang lahat Kay Shaira, nakikita nilang sinisisi nito ang sarili.

Biglang nag salita si ginoong Lexington. "Bakit hindi niyo subukan ulit?" Pagbibigay Niya ng solusyon.

"Oo nga, Shaira subukan mo ulit!" Sulsul ni elder misha, sang-ayon siya sa sinabi ng binata.

Nagkaroon ng pag-asa ang mukha ni Shaira. "Sige, susubukan ko ulit!"

"Paalala lang Shaira, tatlong vixem nalang ang mayroon tayo, pumalpak ka na sa una, kaya may dalawang pagkakataon ka nalang,  kailangan munang pagbutihin dahil kapag Mali na naman ang lunas na iyong magawa ay mas lalala ang kalagayan ng iyong ina." Wika ni elder Rex.

Nagkaroon ng alinlangan ang ekpresyon ni Shaira. Nag-aalala siya ,paano kung pumalpak na naman siya?. Biglang may humawak sa kanyang kamay. Pag angat Niya ng kanyang paningin ay nakita Niya si Kaizen na nakangiti sa kanya.

"Kaya mo yan! Para sa iyong ina! Makakaya mo,," nakangiti nitong Saad.

"Maniwala ka sa kakayahan mo Shaira" dagdag komento ni pinunong alfo.

Dahil sa sinabi nina Kaizen at pinunong alfo, ay nagkaroon ng positibong damdamin ulit si Shaira, tumango siya at tumayo. Kinuha Niya ulit ang mga sangkap, pinalutang sa kanyang harapan at dinala sa gitna, lahat Silang nanonood ay umatras at binigyan ng sapat na espasyo si Shaira.

Umupo si Shaira ng nakakrus ang mga binti, inilabas Niya ang Kanyang palayok. Pinalutang katulad sa mga sangkap, saka pumikit at mula sa mga palad nito sa kanang kamay ay lumabas ang Isang puting apoy.

Lumaki ang mga mata ng anim na adventurer mula sa bansang goldbath. Naguguluhang ang mga ito, sina hara at Lexington ay parehong nagulat at namamanghang sa puting apoy ni Shaira, habang naguguluhan naman sina Ella, xim at deon, dahil ang pagkakaalam nila ay si Kaizen ang nagtataglay ng white alchemy flame, sa kanilang isipan, 'imposibling dalawa ang mag mamay-ari ng maalamat na white alchemy flame'.

Habang si kaizen naman ay nagulat,  Mariin tinutukan at sinuri ang puting apoy ni shiara, mayamaya pa ay may napagtanto siya, sa kanyang isipan. 'siya ang nagmamay-ari ng white alchemy flame! Kung ganun, kasabay ng pag-iral ng aking white elemental alchemy flame sa henerasyon ito ay lumabas narin ang white alchemy flame. Sabagay hindi iyon nakakapagtaka dahil ito ang angkan pinagkatiwalaan ni reynang Saru, baka dito sa angkan na ito Niya ipinamana ang kanyang kapangyarihan.'

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now