kabanata 28

100 23 1
                                    



Natapos na sa pagkwe-kwento si Neryum tungkol sa mga Diyos at kung paano nagmula ang mga taong adventurer.

Pero Makikitang napaisip si Kaizen. "Hmm kung ganun po yung dalawang taong Yun ang unang nagkaroon ng white alchemy flame at white elemental flame. Ano po ang nangyari bakit nawala ito at hindi na umiral sa napakahabang panahon?" Tanong Niya dito.

Napabuntong hininga si Neryum nag-aalangan itong ipagpatuloy pa ang kwento dahil hindi Niya Alam kung maiintindihan ba ng bata ang susunod niyang sasabihin. Pero dahil nakikita Niya sa mga mata nito ang matinding kuryusidad sa pag-alam tungkol sa kakayahan nito sa puting apoy, mabuti na sigurong  malaman na nito iyon ng Maaga.

Kaya Ipinagpatuloy Niya Na lang ang Pag kwekwento. "Ang dalawang taong Yun ay Sina Agus at saru. Si Agus ang tinaguriang king of white elemental flame habang si Saru naman ang queen of white alchemy flame.  sa una naging maganda naman ang paghawak nila sa kanilang na buong kapangyarihan, pareho Silang naging malakas, at makapangyarihang. marami ang humanga sa kanila, marami ang gustong makipagkaibigan sa kanila dahil sa bukod na magagaling Silang makipaglaban ay nakakagawa pa sila ng mga iba't ibang klasing lunas  o gamot na may matataas na Uri at kalidad para sa mga adventurer na may malalalang sakit o pinsala ng natamo mula sa pakikipaglaban, at mga potion na makakatulong sa Pagpapalakas ng kapangyarihan. dahil sa kasikatan at katanyagan unti-unting naging hambog, mayabang at mapagmalaki ang Isa sa kanila. At dahil sa mga negatibong damdaming umuusbong sa kanya ay naging mahina ang kanyang puso at isipan para sa mga tuksong lumalapit sa kanya. Nabulag siya sa kapangyarihan kanyang tinatamasa. Hanggang sa nagkaroon siya ng Isang napakataas na ambisyon, nais niyang maging Diyos dito sa mundo, gusto niyang maging hari sa lahat ng hari, gusto niyang siya lang ang tangin kilalanin at tanghaling pinakamalakas na adventurer sa buong sanlibutan-." Naudlot ang kanyang kwento dahil may gustong itanong ang batang si Kaizen.

"Sino sa dalawa ang tinutukoy mo po ginoo? Yun po bang Agus o yung Saru ". Singit na tanong ni Kaizen.

"Yung may hawak sa kapangyarihan white elemental flame. Si agus" tugon Niya rito.

Napatango nalang si Kaizen. Ipinagpatuloy Niya na ulit ang pagkwe-kwento. "At Yun na nga, itong si agus ay nabulag sa kanyang mataas na ambisyon. Gusto niyang maging kanan kamay ang kaibigan niyang si Saru.  Sa una pumayag naman si Saru dahil mahal Niya ang kaibigan Niya at nais Niya itong suportahan sa kahit anong bagay. Kaya Lang dahil nga sa mas umuusbong pa ang mga negatibong damdamin mula Kay Agus, napansin siya ng itim na awra na iniwan ng war of God bago pa man tuluyan ilayo at ipatupad ang batas na ginawa ng creation king god na walang sinuman sa mga Diyos ang pinapahintulutan makapasok sa mga mundong ginawa Niya at kabilang na ang mundo natin. Hindi napansin ni Agus na unti-unti na palang nakakapasok sa kanyang puso at isipan ang itim na awra. Dito nagsimula ang mas hindi pa magandang ginawa ng king of elemental flame. Naging ganid ito, bawat kahiraan pinapabagsak nito, ang mga mahihina, pinapapatay nito. dahil para sa kanya,  walang lugar ang mga mahihina sa kanyang mundong nais pamunuan. Hindi na siya maintindihan ni Saru, hindi na kaya nitong suportahan pa siya dahil Mali na ang Kanyang ginagawa. Lalo na ng gamitin Niya ang kanyang kakayahan sa alchemy upang gumawa ng iba't ibang klasing sakit, para lamang mas marami pa ang tumankilik sa kanya at siya'y pagsilbihin, at katakutan. higit sa lahat sumalungat din ito sa batas na ginawa ng creation king god, bumuhay ito ng mga patay na, Isang malaking kasalanan.  Hindi na maatim ni Saru ang ginagawa ni Agus. kaya sinubukan ni Saru na gumawa ng mga lunas para sa mga sakit na pinalaganap nito ng lihim. Ng malaman ito ni Agus ay sobrang Nagalit ito Kay Saru kaya  pinagbawalan Niya si Saru na makialam. Hindi pumayag si Saru ng lubusan, Pero wala siyang magagawa dahil hamak naman na mas malakas si Agus kaysa sa kanya. Bukod sa puting alchemy na pinaghatian nila ay mayroon pa itong limang Uri ng kapangyarihan elemental mula sa bato ni god of elemental. Samantalang siya ay mayroon lamang  puting apoy at kapangyarihan sa liwanag na galing sa bato ni god of Hope. Alam Niya sa sarili Niya na kung labanan Niya man ito ay matatalo lang siya, at Isa pa may lihim siyang pagtingin dito kaya hindi Niya kayang saktan ito. Ang tangin magagawa Niya nalang upang makatulong sa ibang adventurer na biktima nito, ay gumawa siya ng paraan kung paano ba mapapalaganap ang kanyang kapangyarihan alchemy flame. Dito nagsimula isilang ang blue-green alchemy flame, red alchemy flame at ang pinakamababa orange alchemy flame.
          Umabot ito sa kaalaman ni Agus, hindi Niya nagustuhan ang ginawa ni Saru, kaya naman binalak Niya nalang kunin ang kapangyarihan ni Saru. Dito na nagsimula ang kanilang laban dahil pinaglaban din ni Saru ang kanyang kapangyarihan hindi na siya nagpabulag pa sa kanyang nararamdaman para Kay Agus, marami ang kumampi Kay Saru, ang mga dating hari ng iba't ibang kaharian ay nagsama-sama, upang labanan si Agus. Maging ang mga pinamumunuan ni Agus ay trinaydor narin siya dahil sa hindi Niya patas na pamamahala at sa pagiging malupit na hari. Lahat sila ay nagtulong-tulong laban Kay Agus sa pangunguna ni Saru. Nagawa naman nila itong matalo, plinano ni Saru na kunin nalang ang kapangyarihan ni Agus at ibigay sa mas karapatdapat. Kaya Lang bago pa man Niya magawa Yun ay inunahan na siya ni Agus, bago ito mawala, pinaghiwalay nito ang batong galing sa god of elemental at ang kalahating bato mula sa god of healing. Itinapon nito ang kalahating bato mula sa god of healing sa ibang dimensions ng mundo at panahon, habang ang batong elemental ay itinago nito sa kung saan." Mahabang pagsasalaysay ni Neryum Agus.

"Iyon pala ang dahilan kung bakit wala ng umiral na white elemental flame dahil sa itinapon  ni Agus batong galing sa god of healing sa ibang dimensions ng mundo at panahon. Samantala ang batong elemental ay walang may nakakaalam kung nasaan. Kung ganun, paano naman na wala ang white alchemy flame ginoong Neryum?" Tanong ni Kaizen.

"Ito ay dahil pinagtulungan din ng mga hari sa iba't ibang kaharian si Saru. Ng malaman kasi nila na maaari palang kunin ang kapangyarihan taglay ni Agus at saru, binalak narin nilang kunin ang Kay Saru. Ang kanilang inggit, ganid at uhaw sa kapangyarihan ay madaling umusbong sapagkat ang itim na awra na iniwan ni god of war ay lumaganap na at pinasok na ang katawan ng lahat ng mga adventurer na may mga negatibong damdamin. Sa galit ni Saru dahil sa ginawang pagtratraydor ng kanyang mga kasama bago siya malagutan ng hininga ay sumumpa ito, na ang tangin tao na makakakuha at makakakita lamang sa kanyang kapangyarihan ay yung taong mayroon  purong busilak na kalooban. At ng dahil dito, ang batong naglalaman ng kapangyarihan ni Saru ay bigla rin naglaho. Iyon ang rason kung bakit wala ng white alchemy flame na umiiral magmula noon. Maliban nalang ngayon dahil sa Napakatagal na panahon sa wakas dumating ka na rin, ang batang magbabago sa ikot ng mundong ito." Seryusong tugon ni Neryum habang ang mga mata nito ay nasasabik.

Alanganin Napangiti nalang si Kaizen umulit sa kanya isipan ang sinabi ni Neryum. 'ako ang batang magbabago sa ikot ng mundo? Makakaya ko kaya?' may pag-aalangan siyang nadarama.

------

Samantala sa gubat kung nasaan Sina Adelina at arthon ay makikitang seryuso silang nakatingin sa iisang dereksyon. Mayamaya lamang ay may tatlong pigura ang bumaba sa kanilang harapan. Agad lumuhod gamit ang Isang binti Sina Adelina at arthon bilang pagbibigay galang.

"Pinunong tagapamahala! " Sabay nilang bigkas.

"Tumayo kayo, iulat niyo sa akin kung ano ang nangyari dito, at kanino ang awrang naramdaman namin kanina?" Malumanay ngunit may diin nitong utos sa dalawa.

Nagkatinginan naman sina Arthon at Adelina bago tumayo.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now