kabanata 63

70 17 1
                                    


Thugs!
Thugs!
Thugs!

Sunod sunod na bumagsak sina hara, deon at Ella, habang sakal sakal naman ng dragon sa magkabilang kamay sina xim at lexington. At mayamaya pa ay sabay din inihagis patungo sa Tatlo.

Bam!

Ouch!

Nausal nalang ni xim ng masubsub ang kanyang mukha sa lupa.
Makikita ang mga tinamo nilang pinsala sa katawan. bali bali na ang mga buto sa kamay at paa Nina xim at deon, maga din ang kanilang mga mukha. habang sina Ella at hara naman ay namamaga ang buong katawan  at may tinamong pinsala sa kanilang kaliwang tadyang. Ito ay dahil pinagsalpok sila kanina ng dragon at sabay hinampas ng buntot nito.

Halos hindi na mamulat ni Lexington ang kanyang kaliwang mata, namamaga ito, may sugat din siya sa noo kung kaya malakas na umaagos ang kanyang dugo mula dito. Mapapansin din na hindi maayos ang kalagayan niya, sa kanilang lima siya ang pinaka napuruhan, bali ang mga buto niya sa katawan, makikita din ang mga Paso at lapnos sa kanyang balat.

Lahat ng ito ay nakikita ni Kaizen, kasalukuyan itong nakalutang, nakapikit na ang Kanyang kanan mata, bali na ang Kanyang kaliwang kamay, marami na rin siyang tinamong Paso mula sa apoy ng dragon, kahit magkatulad sila ng kapangyarihan ay tinatablan parin siya ng apoy nito, hindi narin Niya mapagaling ang kanyang sarili dahil mas tinutuon Niya ang kanyang enerhiya sa kanyang mga atake.

"Mga lampa! Tsk! At buong akala niyo talaga ay makakaya niyo ako? Ako na Isang maharlikang dragon? Ni wala pa kayo sa kalingkingan ng anak ko kung sakaling nabuhay ito. Mga  hangal!" Panghahamak ng dragon sa Kanila.

Dahan Dahan gumapang si Deon patungong Kay Lexington. "Gu-guro aayos lang ba-ba kayo?" Mahinang usal Niya.

Nahihirapan din kumilos sina Ella at hara Pero pinilit nilang tumayo at inalalayan si xim. Mabagal Silang lumapit sa kanilang guro na kanina pa nakahiga, nangangamba Silang baka patay na ito.

"Gu-guro!" Sabay-sabay na tawag ng tatlo.

"Hmm?" Mahinang usal nito

Nakahinga naman ang apat ng malaman buhay pa ito,

Nagmulat ng mata si Lexington at marahan umupo. "Ang lakas talaga Niya" makikita sa mukha niya ang kakaibang saya kahit na bugbug sarado sila.

"Bakit masaya ka pa guro?" Naiiling na tanong ni hara.

"Uhmm, ito ang unang beses Kong makalaban ng isang nilalang na akala ko'y Isa lamang alamat." Tumingin ito sa apat, "kaya kahit papaano ay Isa itong karangalan  sa akin dahil naranasan ko siyang makalaban kahit na wala ako sa kalingkingan upang maging katapat Niya." Tipid nitong Saad.

Narinig ito ng dragon. "Aba dapat lang! Isang malaking karangalan na ako'y makalaban ninyo" tumingin ito sa kanilang lima, "kaya Isa rin karangalan ang mamatay kayo sa aking mga kamay!" Sigaw nito.

Muling nag-ipon ang dragon ng enerhiya sa bibig nito katulad sa ginawa nito nung unang tangkain nitong patayin si pinunong Beryl. Pinanlamigan si Kaizen sa nakikitang balak ng dragon, napakalayo Niya mula sa kanyang mga kasamahan at sa kalagayan Niya ngayon ay hindi siya aabot sa mga ito dahil kaunti nalang ang kanyang enerhiya kaya hindi na Niya magagamit pa ang kanyang wind flash tiknik.

Roar!!!

Pikawalan na ng dragon ang kanyang inipong apoy sa bibig at ibinuga patungo sa limang adventurer. Namutla naman ang apat,, sa isip nila 'ito na ang kanilang katapusan, hindi na sila nakakakilos pa kaya imposibling makatakas sila mula sa kapangyarihan ng dragon.' naghawak-hawak nalang sila ng kamay at nagsitanguan. Sabay-sabay Silang tumingin Kay Kaizen na nagmamadaling lumilipad patungo sa kanila.

The Prophecy From Lower Realm Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang