kabanata 59

118 22 2
                                    



"Ayos ka lang ba Kaizen?" Tanong ni hara sa kanya. Kanina pa kasi siya tahimik simula ng umalis sila sa sentro ng bayan.

"Ah opo ate" alanganin siyang ngumiti dito. At nagpatuloy na ulit sa paglalakad

Napatango nalang si hara, sa isip nito. 'hmm may kakaiba sa ikinikilos ng batang ito, ano kaya ang nangyari sa loob ng shop na kanyang binilhan ng Rubyant at naging ganito na ang Kanyang ikinikilos.? May nangyari kaya?'

"Oy! Anong iniisip mo at masyadong malalim naman" panggugulat sa kanya ni Ella.

"Ahm wala naman, nagtataka lang ako at masyadong tahimik si kaizen simula pa kanina."

"Uhm oo nga noh! Baka namimiss Niya lang ang kanyang mga magulang, halos dalawang buwan narin simula ng makapasok siya sa golbath Academy at mula nun hindi pa siya nakakabisita sa kanila."

Marahan tumango si hara, "sabagay, sa edad niyang iyan kahit na nagtataglay siya ng mataas na antas ay siguradong hinahanap Niya pa rin ang presinsiya ng kanyang mga magulang." Pagsang-ayun Niya nalang.

Nakarating na sila sa Isang tarangkahan, ito ang pumapagitan sa bayan ng Bura at sa bundok Varion. Makikitang mayroon dalawang kawal ang nakabantay sa magkabilang gilid. At sa may kanan ay mayroon Isang Mesa at may nakaupo na Isang babaeng mataba na may edad apatnapo, kasalukuyan itong abala sa pagsukat ng mga alahas na gawa sa dyamante. Lumapit sila dito.

Ng makita sila nito ay tumingin ito sa kanila mula ulo hanggang paa, at marahang nagsalita. "Hmm mga taga golbath, Alam niyo na bang hindi kayo maaring pumasok sa loob ng iyan ang inyong mga suot?" Masungit nitong Saad.

"Bakit po? Wala naman pong sinabi ang alkaldi tungkol sa kung anong maaaring suutin sa Pag gawa ng misyon." Naguguluhang tanong ni Deon.

Paismid itong nagsalita "tsk! Makakalimutin ang matandang alkalde iyon, buweno, mag bihis kayo, at ito ang inyong suutin." Sabay-sabay nitong inihagis sa kanila ang mga damit. "Kailangan iyan ang inyong suutin kapag pumapasok kayo sa bundok na iyan, huwag na kayo maraming tanong pa dahil hindi ko rin sasagutin, sumunod nalang kayo upang matapos na tayo agad, at may ginagawa pa ako." Mataray nitong Saad.

Napairap nalang si hara sa inis, 'ang impaktang to, akala mo naman kung sinong maganda , eh hindi naman bagay sa kanya.' naiirita ito sa pag-uugaling ipinapakita nito sa kanila.

Itinuro nito ang dalawang tent sa gilid, naintindihan nila ang ibig-ipahiwatig nito, doon sila magbibihis.. ang kulay pulang tent ay para sa babae at ang kulay asul ay para sa lalaki.

Nagtataka man ay sumunod nalang sila. Ang damit na kanilang sinuot ay kulay puti, may mahabang manggas, at para itong ruba. Habang sa babae naman ay ganun din. Paglabas nila at paglapit sa tarangkahan ay biglang lumapit ang babaeng mataba at sinuutan sila ng sinturon na may nakasukbit na bote.

Nagtatakang tinignan ni kaizen ang bote, gawa sa Rubyant ang bote at sa loob nito ay may mapulang likido. Parang may naaamoy siyang malangsa mula dito. 'isa bang dugo ang likidong ito?' na tanong Niya nalang sa isipan.

"Ginang, ano po ba itong nasa loob ng bote? At para saan po ito?" tanong ni xim.

Napairap lang ang babae at pataray na sumagot. "Huwag ng Maraming tanong, basta  suutin niyo nalang, (napabuntong hininga ito) Isa itong ritwal, pagbibigay suporta ng aming bayan para sa mga katulad niyong nais tumulong. Tandaan niyo Huwag niyong huhubarin ang mga iyan lalo na kapag  nakapasok na kayo sa loob ng kuweba kung nasaan ang halimaw"  babala nito sa Kanila.

"Baka Isa itong Uri ng proteksyon upang maprotektahan tayo laban sa halimaw na sinasabi nila." Bulong ni xim.

"Sige na maari na kayong pumasok" ng matapos Silang suutan ng sinturon. sinenyasan nito ang dalawang kawal. Pinagbuksan naman ng mga ito sila Kaizen.

The Prophecy From Lower Realm Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz