kabanata 30

117 22 1
                                    

"Bakit Adelina?" Tanong ni Neryum ng pigilan siya ni Adelina  sa pagtankang lumabas ng silid ni Kaizen.

Tumingin ito sa kanilang Tatlo bago magsalita. "Sa palagay niyo ba hindi tayo minamanmanan ngayon ng punong tagapamahala,,? Siguradong sa mga oras na ito ay may itinalaga na siyang mag babantay sa atin  arthon." Paliwanag Niya habang Mariin nakatingin kay ginoong arthon.

Napatango naman si arthon ng maintindihan niya ang Punto ni Adelina. "Tama ka Adelina, nakakasiguro akong meron ng adventurer ang nasa labas ng atin Principiante upang tayo'y manmanan sa ating mga kilos." Sang-ayon Niya.

"Kung ganun ano ang ating gagawin? Hindi tayo maaring magtagal pa dito, naghihintay na ang aking kapatid". Natatarantang tanong ni Neryum.

Habang sila ay masisinsinan nag-uusap, si Kaizen naman ay umupo nalang muna sa kanyang higaan at pumikit. Kailangan niyang kalapin ang mga impormasyong ipinasa ni haring Amer sa kanyang isipan kung papaano Niya mapapagaling ang kapatid ni Neryum.

Nagpatuloy ang pagdidiskusyon nina arthon, Neryum at Adelina kung papaano sila makakaalis sa isla ng hindi malalaman ng punong tagapamahala.

Biglang may naisip si Adelina. "Alam ko na!" Sabik nitong Turan. Lumingon naman sa kanya Sina arthon at Neryum.

"Anong Alam mo na Adelina?" Nakakunot-noong tanong ni Arthon.

Sumilay ang pilyang ngiti nito. "Alam ko na kung sinong nilalang ang makakatulong sa atin" tumingin ito ng matiim Kay arthon, bigla naman kinabahan ang lalaki dahil mukhang may binabalak si Adelina ng hindi maganda para sa kanya. Lumapit si Adelina  sa kanya at hinawakan ang Kanyang kanan balikat. "Natatandaan mo pa ba si maryana?" Tanong nito sa kanya.

Napaisip naman si arthon, at sumagi sa kanyang isipan ang Isang adang katulad ni Adelina, napangiwi siya. "Bakit? Ano naman kinalaman Niya rito?"

Pumihit paliko si Adelina sa likod ni arthon habang nagsasalita. "Si maryana lang naman ang nag-iisang makakatulong sa atin dahil sa kanyang kapangyarihan." Paliwanag nito.

Napagtanto ni ginoong arthon ang nais ipahiwatig ni Adelina. "Oo nga pala, ang kanyang kapangyarihan ay ang gumaya ng katauhan ng iba," humarap si arthon Kay Adelina. "Sa pamamagitan Niya maari tayong lumabas dito ng hindi malalaman ni punong tagapamahala."

Lumapad ang ngiti ni Adelina. "Mismo, siya ang magkukunwaring tayo." Hayag Niya.

Naguguluhan naman si Neryum. "Papaano Niya magagawang gayahin kayong dalawa kung nag-iisa lang siya?" Tanong Niya sa dalawa.

"Wag Kang mag-alala Neryum, dahil ang kapangyarihan ni maryana ay hindi lang panggagaya. Kaya rin niyang paramihin ang sarili Niya." Paliwanag ni  arthon rito.

"Ah ganun pala, maganda nga yan kung ganun, saan natin siya hahanapin?" Tanong Ni Neryum ulit.

"Naroon siya sa aming palasyo, madali lang natin siyang matatawagan. kaya Lang may problima, hindi kasi iyon sumusunod sa akin" nakangiwing usal ni Adelina. ,"Pero, kung si arthon ang makikiusap rito siguradong wala pang Isang segundo papayag Yun" nakangising dugtong nito habang nakatingin Kay arthon.

Tumingin naman si Neryum Kay arthon. Naghihintay sa sasabihin nito. Sa huli ay Napabuntong hininga nalang siya at tumugon. "Sige na, para sa kapatid mo," tumingin ito Kay Adelina. "tawagan mo na siya, Alam mo na kung anong sasabihin mo sa kanya." Utos niya rito.

Tumango tango naman si Adelina. Mabilis nitong pinalabas ang kanyang maliit na salamin at nagwika. "Maryana! Nais Kang kausapin ni arthon!" Sigaw nito. Napatakip naman ng mga Tenga Sina Neryum at arthon, habang napakunot noo naman si Kaizen dahil sa malakas na sigaw ni Adelina. Wala pang Isang segundo ay biglang may maliit na liwanag ang lumabas sa salamin at nagtungo sa harapan ni ginoong arthon. Bigla itong lumaki.  makikita ang Isang binibining ada na may kulay abohin buhok. Kasing puti ni Adelina, may matutulis na Tenga at kulay abo na mga mata. Malapad ang ngiti nitong humarap Kay ginoong arthon. "May kailangan ka ba ginoo?" Mahinhin nitong wika habang pinapapungay ang mga mata.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now