kabanata 10

102 24 2
                                    

Sa palasyo ng mundo ni Kaizen ay naghihintay si Leon. Nakahiga ito  sa taas ng malaking tarangkahan ng palasyo. Nakapikit ito habang  humihitit ng tabako. minulat nito ang mga mata dahil sa presensyang kangyang naramdaman sa ibaba. Sa ibaba ay naruon si Kaizen, kararating lang nito mula sa mabilisang pagtakbo, naghahabol pa nga ito ng hininga. Tumingala si Kaizen "na-nagawa ko  hindi po ba?"tanong Niya.

siguradong Nagawa niya ang unang pagsasanay, nakaabot siya, saktong labing limang minuto. Bumaba si Leon at ngumisi
tinapon nito ang upos na sigarilyo.

"Binabati kita, napahanga mo ako kahit papanu, ngayon sumunod ka Sakin". Saad nito. Tumalikod na si Leon, at nagsimula ng maglakad,  sumunod narin si Kaizen dito sobrang pagod ang kanyang nararamdaman Pero kailangan niyan baliwalain ito.  Pumasok na sila sa palasyo derederetso sila sa elebeytor, pumunta sila sa silid pagsasanay. Pagpasok nila dun ay may ibinulong si Leon, mayamaya lang nagbago ang kanilang lugar na kinatatayuan, sobrang namangha si Kaizen, hindi Niya akalain pu-pwedi pala ang ganito.  Mula sa purong puting dimension, ngayon ay nandito sila sa paanan ng bundok.

"Nakikita mo ba ang tuktuk ng bundok? " Tanong sa kanya ni Leon. Tinignan ito ni Kaizen, naningkit ang kanyang mga mata hindi Niya masyadong maaninag dahil sa napakalayo nito at napakataas.kaya naman naisip niyang  ipadaloy ang kanyang enerhiya mula sa kanyang star system patungo sa kanyang mga mata. At nang maging malinaw na ay doon Niya nakita ang Isang kulay pulang puno na nasa pinakagitna.

"Opo Leon, ang punong pula po ba ang tinutukoy niyo?"

Sa isip ni Leon, "Hmm magaling, Nagawa niyang ipadaloy ang kanyang enerhiya patungo sa kanyang mga mata ng hindi manlang dumaan sa pagsasanay. Kakaiba talaga siyang bata".

Kung ang karaniwan bata ay aabutin ng Isang buwan bago nila magawang makuntrol ang kanilang enerhiya patungo sa kanilang iba't ibang bahagi ng katawan, ito naman ay nagawa  ng ilang segundo lamang.

"Magaling, napansin Kong Alam mo na kung paano padaluyin ang iyong enerhiya sa  iba't ibang parti ng iyong katawan. Meron bang indibiduwal ang nagturo sayo niyan?" Malumanay Niyang tanong.

"Ang ano po? Hindi ko po kayo maunawaan" nagtatakang tanong ni Kaizen.

Nagitla si Leon, "kung ganun ay wala, at hindi nito Alam ang kanyang nagawang kakayahan. Hmm interesante."

"Buweno, magpatuloy tayo. Akin na yang mga kamay mo,"

Nagtataka man ay inilahad ni Kaizen ang kanyang mga kamay, kinuha ni Leon sa kanyang bulsa ang apat na maninipis na pulseras, gawa ito sa bakal , ordinaryo lang kung titignan Pero ng maisuot na ito ni Kaizen ay bigla siyang napasubsub. Napakabigat pala nito, mukhang nasa dalawang daan Daang kilo ang bigat. nilagyan rin nito ang kanyang dalawang  binti.

"Ang bawat polseras na niyan ay bumibigat ng limangpong kilo. Nais Kong tumakbo ka pakyat-baba mula rito patungo sa punong pulang na nasa taas ng bundok hakbang suot-suot mo yan. Mayroon ka lamang Isang linggo na pagsasanay dito sa mundo ng gwalima, yan lang muna ang gagawin mong pagsasanay, sa pamamagitan ng ganyang pagsasanay, magiging  malakas at matibay ang iyong pisikal na katawan." Seryusong Saad ni Leon. "Simulan mo na,!" Utos nito

"Opo!" Determinadong sagot ni Kaizen. halos kaladkarin nalang nito ang sarili  paakyat ng bundok. "Napakabigat talaga Pero kakayanin ko, magiging malakas ako para sa Inyo Inay itay",, sa isip Niya, ginagawa Niyang inspirasyon ang kanyang mga magulang upang magpatuloy kahit hirap na hirap na siya.

Umakyat na sa puno si Leon naghanap siya ng magangdang Sanga na maaaring niyang higaan. Mayamaya lamang sa kabilang Sanga ay dumating si Chen at umupo. Tinignan nito si Kaizen na hirap na hirap na umaakyat sa matarik na bundok. Napakunot-noo ito.

"Yung polseras na nasa mga kamay at binti Niya, ang omoi burusirito ba yon?" Tanung ni Chen sa nakahigang si Leon.

"Oo" walang ganang sagot nito

"Talagang pinapahirapan mo ang bago natin master,, sabagay mabuti narin, nang saganun tumibay ang Kanyang pisikal na pangangatawan, anung saysay ng mataas ng antas kung hindi naman maganda ang pundasyon ng pisikal na katawan" wika pa nito.

Hindi na sumagot pa si leon at pumikit nalang. Umismid nalang si Chen ng mapagtanto niyan tinulugan na siya ni Leon.



Sa loob naman ng bulwagan ng mga redvil ay kasalukuyan nagaganap ang kanilang pagpupulong, makikitang ang bawat Isa ay nangangamba at natatakot.

"Talaga bang pinababayaan na tayo ng hari?" Nawawala na  Pag Asang pahayag ng Isang ginang.

"May Isa pang paraan upang tayo ay magawang tulungan ng palasyo. " Pahayag ni pinuno ka-tenyong

Biglang nabuhayan ang mga tao mula sa kanilang narinig. "Talaga ba pinuno? Ano sa tingin mo ang magiging paraan na pwedi natin gawin?" Tanong ni aling lenita.

Matiim itong tumitig Kay lenita.,,
"Ang Iyong anak na si Kaizen" Saad nito

Napakunot noo ang Ilan hindi nila agad mawari ang koneksyon ni Kaizen sa kanilang kinakaharap na problima.

"Ah Alam ko na. Ito ba ay dahil si Kaizen ang nakapasa sa pagtatasa at makakapasok sa goldbath Academy?" Hayag ni ka-pedro

"Oo, kung magagawa ni Kaizen ang magkaroon ng magandang reputasyon sa loob lalo na kung magawa niyang makapasok sa elite quads." Sagot ni pinuno

"Tama, marami at malaki ang benepisyong nakakamit ng mga batang adventurer na nag aaral sa goldbath lalo na kapag mapabilang sila sa elite quads kung saan ang mga magaling at malalakas na batang adventurer lamang ang maaring makasali. Malaki rin ang benepisyong matatanggap ng mga angkang kinabibilangan nila dahil binigyan sila ng pagkilala mula sa palasyo." Mahabang Paliwanag ni elder tasyo.

"Ang tanung, magagawa kaya ni Kaizen? O baka wala pang Isang buwan mapaalis na siya agad." Ngising Saad ng ama ni zenu.

Naiinis na tumingin sa kanya ang mga tao. Pero napagtanto din nilang may Punto ito, paano nga kung hindi magawa ni Kaizen.

ang Pag aaral sa goldbath ay malaking opportunidad pero mahirap din ang mga ginagawang pagsasanay dito kung saan sa bawat buwan ay may ginagawang pagtatasa sa kakayahan ang hindi makapasa ay mapapaalis. Nanlulumo ulit sila. Dahil baka nga mapaalis agad si Kaizen.

Sa nakitang reaksyon ng mga tao ay biglang nagsalita si Elvin "Kaya nga nandirito tayo para suportahan si kaizen, kailangan natin siyang suportahan , siya na lang ang natatangi natin Pag asa. Isipin niyo, sa loob Lamang ng Isang araw nagawa na Niya agad makatapak sa silver rank, Isang buong ranggo ang nilaktawan Niya. Ibig sabihin lang nito, malaki ang potensyal ni Kaizen, nabibilang siya sa mga batang talentado." Panghihikayat  niya.

Nabuhayan ulit ng Pag asa ang mga redvil."Tama ka Elvin," Pag sang ayon ni elder Samuel,   bumaling ito sa kanyang mga ka angkan, "kailangan lang natin magtiwala at manalig na kakayanin ni Kaizen, suportahan natin siya. Wag agad tayo mawalan ng Pag asa, tutal wala narin naman tayong pagpipilian Kundi ang sumugal sa kanya, hindi ba? Dugtong nito.

Nagsitanguan ang lahat, wala naman Silang ibang paraan na maiisip kung hindi ang manalig nalang Kay Kaizen.

"Sa ngayun yan lang muna, kami at ng mga elder ang bahala sa pagsuplay ng kayamanan kailanganganin ni Kaizen sa pagpasok Niya sa Goldbath Academy." Tugon ni pinunong ka-tenyong. "Lumalalim na ang Gabi, maaari na kayong umuwi at magpahinga." Pagtatapos Niya sa kanilang pagpupulong.

Nagsimula ng tumayo ang mga naruon, at nagsiuwian na. Bago pa makalabas ng pintuan ang mag asawang johanas at lenita, ay tinawag sila ulit ng pinuno.

"Johannas, lenita, maaari ba namin kayo makausap bukas ng hapon?" Tanong ng pinuno nasa likod nito ang ibang elder ng angkan.

Ngumiti sila, "opo naman pinuno"

"Kung ganun salamat, bukas nalang" ngiting pahayag nito.




The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now