kabanata 58

75 19 4
                                    

"Pumasok na ba sila sa bundok Varion?" Ani ng Isang lalaking may magarang kasuutan. Napupuno ito ng iba't ibang alahas sa katawan gamit ang iba't ibang dyamante. Kasalukuyan itong nakatanaw sa malaking bundok sa dikalayuan mula sa kanyang mansyon.

"Ang pangkat mula sa whiyork at coling palang po ang pumasok sa teritoryo ng halimaw. Samantalang ang pangkat mula sa golbath ay mukhang naghahanda muna bago pumunta sa bundok Varion." Tugon ng alkalde na nanatiling nakaupo sa kanyang opisina.

"Hmm mukhang interesanti ang bagong grupo mula sa golbath, napansin kong sa kanilang tatlong grupo na pumarito ay ang grupong iyon ang mas nag-iisip at nagplaplano ng mabuti bago gawin ang misyon."

"Tama po kayo, sa tingin niyo may pag-asa bang matalo nila ang halimaw na iyon?" Tanong ng alkalde sa lalaking nakatalikod.

"Imposibli nilang mapatay ang halimaw na iyon," seryusong Saad nito.

"Kung ganun pinuno, bakit pa tayo nagpapadala ng mga inosenting adventurer sa bundok na iyon kung hindi rin lang naman pala tayo nila matutulungan?" Dismayadong usal ng alkalde.

Napabuntong hininga ang lalaking tinawag na pinuno ng alkalde, dahan-dahan itong lumapit at umupo sa bakanting upuan. "Wala tayong magagawa, ito ang utos ng ating kamahalan."

Napakunot noo naman si alkalde Rizmo at naiinis na nagsalita. "Hindi ko maintindihan ang ating hari, pinabayaan na nga Niya tayo dito na nakakulong  hindi Niya pa tayo magawang tulungan. Sa halip ginagawa Niya pa tayong kasangkapan upang magpahamak ng mga nakakaawang kabataang adventurer mula sa iba't ibang bansa." Nalungkot ang alkalde ng maisip ang mga kabataang pumasok sa bundok Varion at hanggang sa ngayon ay wala pang ni Isang nakakalabas.

Mapapansin rin ang kalungkutan sa mukha ng pinuno at marahan nagsalita. "Ito ay dahil nais ng kamahalan sumali sa magaganap na digmaan sa pagitan ng bansang whiyork at bansang golbath."

"Ano!?" Gulat na sigaw ng alkalde, dahil Sa narinig ay di niya mapigilang maibagsak ng malakas ang kanyang dalawang kamay sa misa at napatayo na naguguluhan, ng mapagtanto na ang Kanyang pinuno ang kaharap ay  nahimasmasan ito at humingi ng despinsa. "Paumanhin sa aking inasal pinuno. Nabigla lamang ako sa aking narinig."

Marahan ngumiti ang pinuno at nagwika. "Naiintindihan ko, kahit ako man ay nabigla rin ng malaman ko ang plinaplano ng ating hari. Isa ito sa mga takteka Niya upang mabawasan ng magagaling na adventurer ang bawat bansa sa hinaharap." Lahad nito

"Napakatuso Niya talaga, kung tutuusin siya ang dahilan kung bakit ang ating angkan ngayon ay nagdurusa at nakakulong sa sarili nating bayan." Dismayadong usal ng alkalde.

Hindi na tumugon pa ang pinuno at malalim itong nag-isip. Siya si Beryl ang kasalukuyan pinuno ng angkang Gemmas, Sila ang mga mamayan ng bayan ng bura, si Rizmo na kasalukuyan alkalde ng bayan ay ang kanyang kanan kamay. Noon Malaya Silang nakakapaglakbay at nakakalabas masok sa kanilang bayan, Pero dahil sa Isang pangyayari ay nakulong sila dito,, sa sarili nilang bayan.

Hinding-hindi Niya iyon makakalimutan dahil Isa siya sa mga naroon ng maganap ang tradhedyang iyon. Dalawang pong taon na ang nakakaraan... siya , kasama ang kanyang ama na siyang pinuno ng kanilang angkan at ilang mga kaangkan ay pumayag sa mungkahi ni prinsipi Hakan na siyang kasalukuyan hari nila ngayon. Minungkahi ni prinsipe Hakan sa kanyang ama na pasukin nila ang bundok Varion at gawin minahan ito tulad sa mga bundok na kanilang minimina.

Natitiyak kasi ng prinsipe Hakan na maraming mga dyamante ang bundok Varion sa kadahilanan ito ang pinakamatanda at pinaka malaking bundok sa bansang magton. Sa una ay Ayaw pumayag ng kanyang ama dahil Ayun sa Nakasulat  sa kanilang talaan mula pa sa kanilang mga ninuno na huwag pakikialaman at huwag susubukan pasukin ang bundok Varion dahil ito ay teritoryo ng Isang malakas na halimaw.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now