kabanata 23

90 22 0
                                    


"Sinong siya?" Naiinis na tanong ni Adelina

Tumingin ng matiim sa kanya si arthon bago sumagot. "Maaaring si neryum avox, natatandaan mo pa ba siya Adelina?."

Natigilan si Adelina, malalim na napaisip. 'si neryum Avox? Bakit?' tanong ng isipan Niya, na patingin siya pabalik Kay ginoong arthon. "Hindi Niya magagawa ang pumatay ng bata lalo Na't may malaking potensyal ang batang ito" turo Niya Kay Kaizen.

Napabuntong hininga nalang si ginoong arthon. "Maaaring nagbago na siya Adelina. Nakalimutan mo na ba kung anong huling nangyari sa kanya rito bago siya umalis?".

Nagpalipat-lipat ng tingin si Kaizen sa dalawa. At dahil sa kuryusidad ay di na Niya mapigilan magtanong. "Bakit po? Ano po bang nangyari sa kanya?"

Ayaw ng isipin ni Adelina ang tungkol duon. Pero kung pagbabasihan nga kung anong nangyari nuon, siguro nga nagbago na ito ngayon. Tumingin siya Kay Kaizen at sinimulan niyang ekwento rito ang nangyari noon.

"Si Neryum Avox ay dating estudyante ng goldbath academy, katulad ni arthon, Silang dalawa ay kasama sa grupong elite quads." Natatandaan niya na bago pa man niya maging katuwang si arthon, matalik ng magkaibigan ang dalawa. Nasaksihan Niya kung paano naging malakas ang mga ito, kung paano naging mabuti itong mga adventurer at kung gaano kabait na tao si Avox, mapagmahal ito lalo na sa nag-iisang kapatid nitong babae. Kaya Lang, may nangyaring hindi inaasahan. Sa huling misyon na dapat gagawin ni Neryum Avox ay nagkaroon ng malaking problima kung saan nalagay sa alanganin ang kanyang pinakamamahal na kapatid,  nadapuan ito ng malubhang karamdaman. Kaya hindi siya nakasipot sa napakahalagang misyon na iyon, na nagresulta ng pagkasawi ng ilang elite quads kasama na ang Isang anak ng hari na si prinsipe eli. Dahil dito galit na galit na sinisi siya ng hari at ng ilang taga konseho. Humingi siya ng tawad sa kanyang pagkakamali at nagmakaawa siya sa hari na kung maaari ay tulungan siyang mapagaling ang kanyang kapatid. Ngunit tinalikuran lang siya ng hari at pinag-utos nito tanggalin na siya sa grupong elite quads. Humingi siya ng tulong sa lahat ng taong naging kaibigan Niya, ngunit ang lahat ay tinalikuran siya. Na kahit maging si arthon ay hindi siya nagawang tulungan dahil sa mga panahon na Yun ay pinagbawal ng hari ang lahat na tulungan siya. Ang sino man lumabag ay ipapatapon ng hari sa kontinenteng navarian. Lahat ay natakot kaya tinaboy nilang lahat si Avox at ang kapatid nito. Matatandaan pinalayas din ng hari Sina Neryum Avox at ang kapatid nito sa bansang goldbath.

Matatandaan rin na sinubukan nila ni arthon na tulungan ng lihim si Neryum Avox. Kaya Lang napag-alaman nila na ang sakit na dumapo sa kanyang kapatid ay di basta-basta, kailangan ng tulong ng Isang magaling na alchemy master. Dahil ang lunas na kakailanganin ng kanyang kapatid upang gumaling ay tangin ang alchemy master lang ang may kakayahan gawin. At kasalukuyan ang pinuno ng angkan golass ang nag-iisang alchemy master dito sa goldbath. Dahil sa pinag-utos ng hari, hindi sila tinulangan ng angkan golass."
Pagtatapos Niya sa kwento.

"Kawawa naman po pala siya," hindi maiwasan makaramdam ng habag si Kaizen sa lalaking nagtangka sa kanyang buhay.

Tumango Sina Adelina at arthon. "Siguro ang rason kung bakit ka Niya gustong patayin ay dahil sa kanyang kapatid."  Kunklosyon ni arthon

"Siguro nga po, Sabi Niya po kasi na napag-utusan lang daw siya at malaki iyon kaya hindi Niya puweding palampasin." Sang-ayon Niya.

"Sa ibang bansa tulad ng whiyork ay may mga alchemy master, siguro dun siya nakahanap ng lunas kaya Lang kakailanganin Niya ng malaking halaga ng kayamanan para makuha ito. At ang tangin sulusyon Niya nalang ay tumangap ng kahit anong misyon kapalit ng malaking kayaman bilang kabayaran." Dugtong pa ni Adelina.

"Para sa kanyang kapatid, gagawin Niya ang lahat" Saad ni ginoong arthon.

Napaisip naman si Kaizen, 'naiintindihan Niya na ngayon kung bakit, dahil kahit naman siya ay ginawa din Niya ang lahat mapagaling lang ang kanyang ina nung nagkasakit ito ng malubha. Ngayon wala na siyang nararamdaman galit sa lalaking iyon kung sakaling ito nga si avox na sinasabi nila gurong arthon at Adelina. Kundi awa nalang at kagustuhan tulungan ito. Alam Niya sa sarili Niya na kaya niyang tulungan ang kapatid ni Avox, kakailanganin Niya nalang malaman kung ano ang eksaktong sakit nito. Di Bali, Pag nagkita nalang ulit kami.' napangiti siya sa kanyang naisip.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now