kabanata 54

78 18 5
                                    


Agad Narating nila kaizen ang silid kung nasaan ang limang indibiduwal na nahuli ng grupo nina Peyton. makikita ang lima na kasalukuyan nakaupo sa Isang mahabang upuang kahoy. Agad Silang tumayo ng makita si Kaizen na kasabay na pumapasok ng mga taga tribo ligera.

"Kaizen!" Sabay na sigaw nina hara at Ella.

Agad naman lumapit si Kaizen sa kanila. Napansin Niya ang kakaibang bagay na nakatali sa mga kamay ng mga ito. Ito ay parang isang ugat ng halaman. At sa dulo ng ugat ay nakatusok ito sa pulupulsuhan. Napagtanto Niya na ang kakaibang bagay na iyon ang pumipigil sa mga kapangyarihan ng kanyang mga kasamahan.

"Kamusta ka bata,? Hindi ka ba nila sinaktan?" Bungad na tanong ni Lexington Kay Kaizen. Habang sinusuri ang kanyang kabuuan.

"Maayos lang po ako guro." Tugon Niya rito.

Nakahinga naman ang apat sa narinig, makikita naman nila na nasa ayos lang ang si Kaizen at wala naman kahit kaunting pinsala rito.

"Pinag-alala mo kami bata ka!" Di mapigilang mapaismid ni hara

Napakamot nalang sa ulo si Kaizen tyaka tumugon. "Paumanhin po sa Inyo, hindi ko po kasi napansin na naligaw na pala ako" mahinang usal Niya.

"Ehem" agaw ni pinunong alfo sa kanilang pag-uusap. "Kapitan Peyton, maaari mo na Silang kalagan" utos nito sa lalaking brusko at may malaking pangangatawan.

Lumapit naman ito at may inusal na kakaiba sa hangin. Mayamaya pa ay kusang natangal ang mga halamang gamot sa mga kamay nina ginoong Lexington.

Makikitang namamangha si Kaizen sa bagay na iyon at napansin naman ito ni Shaira Kaya binulungan siya nito.

"Ang bagay na iyon ay sarili namin likha. Ang Raizdetiner. Mula sa halamang raizdet, ang ugat nito ay maaaring maging sangkap sa Paggawa ng iba't ibang gamot o potion. Pero ang pinakatangi-tangi at tunay na kakayahan nito ay ang kakayahan nitong pahintuin ang pagdaloy ng enerhiya ng Isang adventurer, Isa sa dahilan kung bakit hindi na nagagawang makagamit ng kapangyarihan ng Isang adventurer kapag  may nakatusok ritong ugat mula sa halamang raizdet." Nagmamalaking Lahad Niya.

Lumapit naman si pinunong alfo sa kanila at ipinakita Kay Kaizen ang Raizdetiner at nagsalita. "Pero hindi ito basta-basta nagagawa ng kahit sino lang, tangin ang may kakayahan sa alchemy na may kapangyarihan liwanag ang makakagawa sa pagpapalabas ng tunay na kakayahan ng raizdet." Nakangising dagdag ni pinunong alfo.

Napatango -tango naman si Kaizen. Sa kanyang isipan.  'nakakabilib naman ang kakayahan ng halamang ito,,, kapangyarihan sa liwanag,? Hmm mukhang makakaya ko tong gawin sa oras na magawa Kong maging aktibo ang aking puting liwanag na kapangyarihan. Isa sa limang kapangyarihan tinataglay ko.' Sa kanyang naisip ay napangiti siya.

Pinaglaho na ni pinunong alfo ang Raizdetiner at humarap kina lexington. "Buweno, maiba tayo,, ang dahilan ba kung bakit kayo Napunta sa aming teritoryo ay dahil sa batang ito?" Turo nito Kay Kaizen.

Napansin ni ginoong Lexington ang kakaibang awra nito kaya nahinuha na Niya na ito na ang pinaka pinuno ng tribo. Nagbigay galang muna siya bago kalmadong sumagot. "Opo, kagalang-galang na pinuno, ipagpaumanhin niyo Sana ang aming pagpasok sa inyong teritoryo, sadyang nag-aalalang kami sa aming batang kasamahan na naligaw habang papunta kami sa bayan ng Bura." Hingin paumanhin niya.

Tumango-tango naman si pinunong alfo. "Naiintindihan ko, sa totoo lang nagpapasalamat kami dahil kung hindi naligaw itong kasamahan niyo sa aming teritoryo ay baka tuluyan ng nawala sa amin ang Isa sa aking mahalagang estudyante." Makikita sa mga mata nito ang pasasalamat.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now