kabanata 60

102 13 3
                                    


Kasalukuyan nasa taas ng bundok sina Kaizen, naghahanap sila ng butas na maaring madaanan papasok sa loob.

"Kanina pa tayo naghahanap guro, halos maikot na natin ang buong kabundukan, Pero mukhang wala naman ibang daanan papasok Kundi yung kuwebang iyon" napapagod na Saad ni xim.

Tumigil muna sila pansamantala sa Isang parti ng bundok na mayroong lawa at may mga naglalakihang puno.

"Ang ganda naman ng lugar na ito!" Bulalas ni Ella. Nilanghap nito ang sariwang simoy ng hangin at humiga sa malambot na mga damo.

Umupo sa tabi nito si hara, at nagsimulang magnilay-nilay.

"Mataas ang kalidad ng natural na enerhiya sa bundok na ito, sige magpahinga na muna tayo dito ng Tatlong pong minuto, pagkatapos ay simulan na ulit natin ang paghahanap. Natitiyak Kong may iba pang daanan, baka hindi lang natin napansin at dahil kasi ito ay nakatago." Positibong tugon ni Lexington sa kanyang mga studyante.

Nagsitango naman ang lahat, nagkanya kanya ng puwesto. Pinili ni deon ang umupo sa Isang malaking bato. Habang si xim naman ay piniling umakyat sa puno at doon magnilay-nilay muna.

Si kaizen naman ay pinili nitong sumisid sa lawa. Hindi na siya pinansin ni Lexington, at lumipad nalang ang guro sa himpapawid.

Nais nitong pakiramdaman ang buong paligid, kanina pa siya nagtataka kung bakit yata wala Silang nakasagupang mga halimaw dito, puro mga ordinaryong hayop lang ang narito. Nagkataon lang ba na wala Silang nakitang halimaw dahil nasa ibang parti ng bundok ang mga iyon at hindi pa nila napupuntahan o sadyang wala talagang halimaw na naninirahan sa bundok na ito.

Para makasigurado siya sa kanyang suspetsya ay naisip niyang libutin ang buong kabundukan, madali lamang Niya itong magagawa dahil siya ay nakakalipad. Matatapos siya agad at makakabalik bago mag tatlongpung minuto. Pinagmasdan Niya muna ang kanyang mga studyante at ng makita na maayos lamang ang mga ito sa kanya-kanya nilang pagninilay ay mabilis na siyang naglaho at sinimulan Niya na ang Pagsuri sa buong kabundukan.

Balak Sanang magnilay-nilay ni Kaizen sa ilalim ng lawa. Ngunit habang sumisisid siya pailalim ay may nakita siyang parang butas. Ng lapitan Niya ay napansin niyang para itong Isang lagusan, nagpasya siyang pumasok sa loob, hindi masyadong madilim sa dinadaanan Niya dahil sa mga Isdang nagliliwanag ang mga kaliskis na Kanyang nakakasabay sa paglangoy. Halos limang minuto ang kanyang inabot bago nakalabas sa lagusan na iyon, sumisid siya pataas. Pag-ahon Niya ay nagulat siya sa nakita..

Maraming nagliliwanag na dyamanting Rubyant and esmeralt sa buong paligid, iba't ibang kulay, nakakamanghang pagmasdan ang mga ito. 'kung ganun nakapasok na ako sa loob ng bundok, tiyak matutuwa nito sina guro!' wika Niya sa isipan, mabilis siyang sumisid ulit pabalik sa lagusan, balak niyang sabihan agad ang kanyang mga kasama sa kanyang natuklasan.


Pag-ahon Niya ay nakita niyang katatapos lang mag nilay-nilay ang kanyang mga kasamahan. Mabilis siyang umahon at lumapit sa mga ito, napansin niyang wala pa ang kanilang guro.

"Hindi pa ba nakakabalik si guro?" Bungad Niya sa mga ito, mabilis lamang natuyo ang kanyang katawan at kasuutan dahil ginamitan Niya ng kanyang kapangyarihan apoy.

Nagkatinginan muna ang apat, at nagsikibitbalikat ang mga ito.

"Eh hindi nga namin Alam na Umalis pala si guro." Mahinang usal ni Ella.

"Ah nakita ko siya kanina sa itaas, sa kinikilos Niya mukhang plinaplanu niyang suriin ang buong paligid, siguro nasa tabi-tabi lang si guro, hintayin nalang natin siya." Tugon Niya at masayang umupo sa damuhan.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now