kabanata 27

94 20 1
                                    




Gulat na gulat ang makikita sa mga mukha nila arthon, Adelina at lalong-lalo na si Neryum. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasasaksihan sa kanilang harapan. Ito ay dahil sa batang si Kaizen, mula sa mga palad nito ay may lumabas na kulay puting apoy. Nararamdaman nila ang kakaibang awra na inilalabas ng apoy na ito.

Unang nahimasmasan si ginoong arthon, agad Niya nilapitan si Kaizen at sinabing. "Kaizen itago mo yan!" Nababahala itong tumingin tingin sa paligid, pinakiramdaman kung mayroon pang ibang taong naroon bukod sa kanila.

Mabilis naman pinaglaho ni Kaizen ang kanyang puting apoy. Dahil dito ay naging alerto na rin si Adelina, at katulad sa ginawa ni arthon ay pinatalas din niya ang kanyang pandama, gusto din niyang masigurong walang ibang adventurer ang naroon, at nakakita sa ipinamalas na kakayahan ng batang si Kaizen.

"Mu-mukhang tayo-tayo lang ang narito." Mahinang Saad ni Adelina. Bumaling ito sa harap ni Kaizen at arthon. Tumingin siya ng Diretso sa bata. "To-totoo ba ang nakita namin? Nagtataglay ka ng maalamat na puting apoy?" Naniniguradong tanong ni Adelina.

Seryuso namang tumango si Kaizen. Kanina Niya pa gusto itong ipakita, lalo na Kay Neryum nung nahuli ito ng baging ni Adelina. Para sana tumigil na sila sa paglalaban dahil Alam niyang ito ang tangin paraan para tumigil si Neryum sa misyong ginagawa nito.

Thud!

Napalingon sila  sa napaupong si Neryum. Bumalik na ang dati nitong anyo. Wala na ang malakas na awra nito, at bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata at buhok nito. Makikita nalang sa mukha nito ang labis na pagkagulat at mayamaya pa ay ang labis na kasayahan.

Kakabakasan ng bagong pag-asa ang sumilay sa mga mata nito. "Pu-puting apoy? Na-nagtataglay ka ng Isang bagay na matagal ng hindi umiiral sa mundong ito?" Hindi makapaniwalang Saad ni Neryum. Nabuhayan siya ngayon ng malaking pag-asa, matagal niyang sinaliksik at inalam ang tungkol sa puting apoy dahil ito lang ang tangin paraan para gumaling ang kanyang kapatid. Ngunit nabigo siya dahil milyon taon na ang nagdaan ng huling umiral ang adventurer na nagtataglay ng puting apoy. At ngayon ito ay nasa harapan Niya na, nakaramdam siya ng labis na pagsisisi dahil sa binalak Niya pa itong patayin, kung sakaling nagtagumpay siya, sa Pag-paslang rito ay siya pa ang magiging dahilan upang hindi na lubusan gumaling pa ang kanyang kapatid at umasa nalang sa lique healing potion na sobra ang kamahalan.

Dahil sa naisip Niya mabilis siyang lumuhod sa harapan nito at idinikdik ang noo sa lupa. "Patawarin mo ako, Alam Kong malaki ang nagawa Kong kasalanan sa iyo, kaya tatangapin ko ang magiging kaparusahan mo o ninyo sa akin" baling nito kina Adelina at arthon. "Gagawin ko ang lahat maging ang buhay ko ay ibibigay ko, pakiusap, pagalingin mo lang ang aking kapatid" nagmamakaawang usal nito sa harap ni Kaizen.

Makikita sa mga mata nito ang labis na pagsisisi at umaasang sanay pagbigyan Niya ito. Nagulat naman si Kaizen sa ginawang pagluhod nito at pagmamakaawa hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Kaya mabilis Niya nalang itong nilapitan at hinawakan ang mga kamay.

"Ginoo, wag po kayong lumuhod, hindi naman po ako galit, at sa totoo po niyan, balak naman po talaga namin na kayo ay tulungan, kung sadyang nakipag-usap ka lang po muna sana ng mahinahon sa amin kanina." Paliwanag niya dito.

Di mapigilang maluha ni Neryum sa narinig. Nag-sisisi siya sa kanyang padalos-dalos na desisyon. "Patawad, sadyang nagmamadali lang ako dahil mauubos na ang gamot ng aking kapatid, kailangan na kailangan Niya na kasi ng lique healing potion" disperadong Saad nito.

Di na mapigilan Sumabat ni arthon. "Wag Kang mag-alala tutulungan ka namin, Pero sa ngayon, kakailanganin na natin umalis at maghanap ng ligtas na lugar upang makapag-usap. Wag tayo dito dahil nararamdaman Kong may paparating na rito ngayon. Mukhang naramdaman ng ibang nagbabantay sa isla ang iyong napakalakas na awra kanina." Tukoy nito Kay Neryum.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now