kabanata 34

103 21 2
                                    



Lumipas ang Isang linggo, ito na ang araw na gaganapin ang buwanang pagtatasa sa paaralan ng goldbath. Kasalukuyan nag titipon-tipon ang lahat ng mga studyante mula sa gusaling Principiante sa Isang simboryo. Dito ginaganap ang buwanang pagtatasa, o minsan ang pakikipagpaligsahan sa pamamagitan ng paglalaban ng mga studyante ng goldbath academy.

Kasalukuyan nakaupo ang mga bata sa mga upuan na nasa kaliwa bandang unahan. napakalaki at napaka lawak ng simboryo, makikita na maraming upuan pa ang bakanti. Sapagkat kunti lang naman ang mga studyante ng Principiante. Sa gitna ay makikita ang pabilog na entablado kung saan ginaganap ang mga aktibidad. At sa bandang kanan ng entablado, anim na metro ang layo ay naroon ang Isang espisyal na entablado kung saan mayroon sampung mga upuan, ito ay para sa hari at ng kanyang konseho. Sila ang mga tagahatol at magdedesisyon kung ang Isang bata mula sa Principiante ay kailangan na bang umuwi o magpapatuloy pa, o kaya'y makasali sa tanyag na grupong elite quads.

Sa bandang ibaba; Isang metrong layo mula sa upuan ng mga studyante ay naroon nakaupo ang punong-tagapamahala, si ginoong arthon, at ang kanyang katuwang na si Adelina. Maya-maya lamang ay nagsitayuan na ang lahat ng marinig ang Isang malakas na tunog ng Isang trumpita. Ito ang hudyat na paparating na ang haring elisiyo. Bilang pagbibigay pugay ay kaylangan nilang tumayo at yumuko habang ang kanan kamay ay nasa bandang tiyan at ang kaliwang kamay naman ay nasa bandang likod.
   Di nga nagtagal ay dumating narin ang kanilang hinihintay, ang siyam na kunseho at ang hari. Pinauna nilang makaupo ang hari sa kanyang Trono bago sumunod na umupo ang mga myembro. Sa Isang kumpas ng kamay ng hari ay nag siupuan na ang lahat. Maliban Kay punong tagapamahala, naglakad ito patungong entablado.

"Pagbibigay pugay para sa ating haring elisiyo! Nawa'y handugan ka pa ng lakas at kapangyarihan na siyang nagproprotekta sa amin na iyong nasasakupan,! maligayang pagdating po dito sa inyong paaralan ang goldbath academy,, aming hari!,,," Saad nito habang nakaluhod ang Isang binti. Pagkatapos ay tumayo ng tuwid at bumaling sa mga myembro ng konseho. "Magandang araw sa Inyo kagalang-galang na konseho, nawa'y naging maganda ang inyong paglalakbay papunta rito". Pagbati Niya sa mga ito, ang iba'y walang pakialam, mayroon naman nakangiti bilang tugon, at mayroon din ibang tumango lang sa kanya. Kahit ganun ay di mababakasan ng pagkadismaya ang ekspresyon ni punong tagapamahala at maaliwalas parin itong nakangiti. Pagkatapos niyang batiin ang hari at konseho ay humarap na siya sa mga studyante upang simulan na ang buwanang pagtatasa.

"Di ka ba nagtataka arthon? Bakit yata pinaaga nila ang buwanang pagtatasa, at bakit yata sa unang pagkakataon ay narito Silang lahat?. Eh diba nagpapadala lang ang mga iyan ng kanilang mga kanya-kanyang kinatawan. Sa tuwing may pagtatasa sa Principiante." Nakakunot-noong tanong ni Adelina. 

"Maaring may pinaghahandaan sila, dahil nabatid ko rin na nag-uumpisa ng tumanggap ang palasyo ng mga ordinaryong mamamayan sa buong bansa ng goldbath para maging Isang kawal. Kahit nga ang mga picaro o picara ay inaanyayahan na nilang umanib at magsilbi sa palasyo kapalit ng marangyang pamumuhay dito sa goldbath." Tugon ni arthon rito. Hindi sila maririnig ninuman dahil sa isipan sila nag-uusap ni Adelina.

"Ganun pala, tsk,,,, mukhang may nalalapit na digmaang magaganap," Saad ni Adelina

"Kaya kailangan natin maghanda,, pagkatapos nito, pilitin natin makahanap ng bakanting oras upang makapag-ensayo." Tugon ni arthon.


Natigil ang kanilang pag-uusap sa isipan ng magsimula ng mag-salita ang punong tagapamahala.

" Mga studyante ng Principiante makinig kayo sa aking sasabihin dahil Isang beses ko lang ipapaliwanag ang proseso ng buwanang pagtatasa." Pansamantalang tumigil ito at tumingin sa lahat, nakita Niya naman nakuha na Niya ang atensyon ng lahat lalo na ang mga batang sasalang kaya ipinagpatuloy Niya na ang Kanyang sasabihin. "Mayroon tatlong antas ang pagtatasa na ito. ang una, ay ang  Resistensya Fesica. Dito ipapakita niyo kung hanggang saan aabot ang lakas at tibay ng inyong pangangatawan. Ang pangalawa naman ay ang pagtatasa sa pundasyon. Dito titignan kung mataas na ba ang pundasyon ng inyong star system. Ang pangatlo naman ay ang test of power. Madali lang ito, dahil  ipapakita niyo lang naman ang inyong mga kapangyarihan.
Para sa unang antas sa pagtatasa ay ipapaliwanag ko na ngayon, ang pangalawa at pangatlong antas ay saka ko nalang ipapaliwanag kapag tapos na tayo sa una." Pansamantalang tumigil ito sa pagsasalita dahil mula sa likuran nito ay may umakyat na Isang binibini. Kapansin-pansin ang purong puting mga mata katulad ng buhok nito. Makikita rin wala itong expresyon sa mukha Kundi blanko lamang. Ngunit ang awrang lumalabas dito ay nakakasindak para sa mga bata.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now