kabanata 39

100 23 2
                                    




Naglalakad na ngayon sina kaizen patungo sa magiging bago niyang dormitoryo para sa grupong elite quads. Habang sila'y nasa Daan ay ipinaliliwanag sa kanya ng punong tagapamahala ang mga importanting bagay tungkol sa grupo.

"Ang grupong elite quads ay binubuo ng Tatlong grupo. Ang senior group, na nasa huling taon na nila ng Pag -aaral at magtatapos sampung buwan mula ngayon. Sumunod ang junior group, na nasa ika-dalawang taon na at ang huli, ay kayong mga bago, the Newbies group. Sa Pagkakaalam ko ikaw ang ika-limang myembro sa inyong grupo. Iisa lang ang inyong gusaling tinutuluyan na mayroon limang palapag lamang." Huminto ito sa Paglalakad at Lumingon Kay kaizen.

Halos tatlongpung minuto lang Silang naglakad ng makarating sila sa Isang bangin. Nagtataka siya kung bakit dito sila nagtungo sa gilid ng bangin, wala naman gusali rito.

"Bakit po tayo nandito punong-tagapamahala? Hindi pa po ba tayo pupunta sa gusaling sinasabi niyo?" Inusenti Niyang tanong rito.

Ngumiti lang ang punong tagapamahala at sa Isang pitik lang ng kamay nito ay biglang nagbago ang bangin. Naging Isa itong tarangkahan na may nakasulat sa taas na elites Del santuaryo. Ito'y kulay ginto at sa likod ay makikita ang makapal na kagubatan. "Maligayang pagdating sa elites del santuaryo. Ang nakita mo kanina ay Isang ilusyon lamang." Saad nito, may kinuha ito at lumapit sa kanya.

Hinawakan nito ang kanyang kamay at may inilagay. "Ito ang iyong magiging susi upang ika'y makapasok at makalabas sa entrenamientong naririto." Aniya, isang singsing pala ang ibinigay nito. Tinignan at sinuri Niya ng mabuti ang singsing at  may nakita siyang simbolo ng elite quads na nakaukit.  gusto pa sanang magtanong ni Kaizen rito kaya Lang ay binuksan na nito ang tarangkahan at pumasok, walang nagawa si Kaizen kundi ang sumunod dito.

Pumasok sila sa masukal na kagubatan. Marami siyang nakikitang mga magagandang ligaw na halaman na maaaring gamitin sa alchemy. Napansin din Niya ang purong katahimikan, wala siyang naririnig na mga huni ng kahit anong hayop maliit man o malaki. Dahil sa kuryusidad ay napatanong siya sa punong tagapamahala.

"Bakit po ang tahimik dito? Wala po bang naninirahan na hayop rito o halimaw?"

"Hmmm, napansin mo pala, walang kahit anong hayop o halimaw ang naninirahan rito dahil ang lugar na ito ay eklusibo lamang para sa Inyong grupo. Hindi rin naman kasi gugustuhin ng mga hayop o halimaw ang manirahan dito dahil ayaw din naman nilang madamay sa tuwing may ginagawang pagsasanay ang mga elites." Paliwanag nito.

Napatango nalang si Kaizen, kung ganun ang buong lugar pala ay Isa na mismong lugar na pagsasanay ng mga elite quads. kaya pala may nakikita siyang mga punong nabali, mga halaman halatang nawasak at nakalbo. Iyon pala ang dahilan.

Mayamaya lamang ay may narinig Silang malakas na pagsabog ilang kilometrong layo mula sa kanila. Akala ni Kaizen ay titigil ang punong tagapamahala ngunit dere-deretsong lang itong naglakad. Kaya binaliwala Niya nalang din ito at inisip Niya na baka may nagsasanay na mga elite quads sa di kalayuan.

Paglagpas nila sa Isang malaking puno ay nakita narin ni Kaizen sa wakas ang Isang gusaling mayroon lamang limang palapag. Ito ay may dalawang kulay, ginto at itim.

Huminto sila sa harap ng pintuan at kumatok ang punong tagapamahala.mayamaya lamang ay may nagbukas ng pintuan. Isang babaeng nasa ika-dalawangput lima ang edad ang bumungad sa kanila. Ng makilala nito ang punong tagapamahala ang kaharap ay niluwagan na nito ang pintuan at gumilid upang hayaan silang makapasok.

"Sheena, ikaw lang ba ang naririto ngayon?" Tanong ng punong tagapamahala habang dere-deretsong nagtungo sa pinakasala ng gusali at umupo,. Sumunod naman siya rito habang ang babae ay kasunod narin nila.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now