kabanata 42

85 16 1
                                    

Pabalik na sila patungo sa house of mission, kagagaling lang nila sa lugar pagsasanay ng mga elites,  at may mga Ilan naroon ang kasalukuyan nagsasanay, dun pala nanggagaling ang mga ingay ng pagsabog na narinig ni Kaizen nung pumasok siya sa sanctuaryo kasama ang punong tagapamahala.

Napagpasyahan nilang bumalik sa house of mission dahil nais nilang pumili ng misyon. Nais nilang makapag-umpisa agad ng sa ganun ay makaipon sila ng puntos. Sa tutuo lang ay hindi problima para Kay Kaizen ang kayamanan, wala siyang pakialam sa mga kayamanan nasa house of traders dahil kung tutuusin ay mas marami at mas pambihira pa ang kanyang mga kayamanan sa kanyang mundo. na kahit kailan man niyang naisin ay puwedi niyang makuha at gamitin.

Gusto Niya lang magkaroon ng tunay na  karanasan at pakikipagsapalaran. nasasabik din siya dahil makakapaglakbay siya sa iba't ibang lugar dito man sa loob ng bansang goldbath o sa ibang bansa. Sa pamamagitan sa pagsagawa ng misyon ay maaaring makatagpo siya ng opurtunidad na maaaring  magpapalakas sa kanya.

"Gusto niyo na agad magsagawa ng misyon? Ayaw niyo ba munang kilalanin ang bawat-Isa?." Malumanay na tanong ng kanilang guro na si Lexington, kasalukuyang itong nasa likuran nila.

Lumingon naman si hara at siya ang tumugon. "Naisip din naman Namin iyan guro, Pero napagtanto rin namin na makikilala rin namin ang isa't-isa sa gagawin namin paglalakbay habang ginagawa ang misyon aming mapipili."

Napangiti ang kanilang guro habang pinagkrus ang mga braso nito sa dibdib. "Hmm may punto rin naman, mas mainam nga iyon, maiiwasan niyo ang pagsasayang ng oras." Sang-ayon nito.

Ilang sandali pa ay nakabalik na ulit sila sa house of mission. Tuloy-tuloy Silang pumasok. Pero napatigil sila ng makitang may kakaibang bagay ang lumitaw sa Pinaka gitna ng bahay. Nagtataka ang limang elites quads habang dere-deretsong lang ang kanilang guro at lumapit sa bagay na iyon. Nakita nila ang bahagyang pagkilos ng mga labi nito habang pinagmamasdan ang kulay gintong papel na nakalutang. "Hmm wala pa palang nagtatagumpay sa misyon ito."  Di mapigilang bulong ni Lexington.

Lumapit si Deon at marahan nagtanong. "Ano po ba ang bagay na iyan, at bakit hindi namin ito nakita kanina nung pumasok tayo rito."

Lumingon naman ang kanilang guro at bahagyang ngumiti bago magsalita. "Ang kulay gintong papel na ito ay Isang misyon galing mismo sa hari. Ito ay napakahalaga at malaking kayamanan ang ibinayad ng kung sinuman sa ating hari upang maisagawa lamang ang misyon Naito." Sagot nito

"Bakit po iyan narito sa gitna at hindi nasaloob ng silid kung saan naka dikit ang mga misyon.?" Muling tanong naman ni hara.

Ngumiti muna siya bago tumugon. "Ito ay dahil ang misyon na ito ay espisyal, maaaring gawin ito ng kahit sino. Maaring magsama-sama at bumuo ng pangkat mula sa grupong senior, junior at kayo newbie sa pagsagawa ng misyon na ito. Isanglibong puntos ang makakamit ng Isang pangkat na makagagawa sa espisyal na misyon na ito." Muling Paliwanag Niya sa tanong ni hara.

Di rin mapigilang sumali sa usapan si Kaizen. "Kung ganun guro, wala pa ang nakakagawa sa misyon na iyan tulad ng binulong mo kanina. ibigsabihin matagal na ang misyon na iyan at hanggang ngayon ay wala pang nagtatagumpay."

Lumingon sa kanya ang lahat, napakunot noo ang kanyang kasamahan dahil hindi nila narinig na may ibinulong ang kanilang guro kanina patungkol sa gintong papel.

Napangiti nalang din si Lexington. "Nakakamangha ka talaga bata, sa mura mong edad ay napakatalas na ng iyong pandinig. Gayun paman ay Tama ka sa iyong narinig, wala pang nakakagawa sa misyon, dahil muli itong lumabas dito ibigsabihin nabigong muli ang grupong sumubok gawin ito." Nalungkot ito sa huling Sinabi.

Napalingon sila sa unahan ng marinig nila ang boses ng isa pa nilang kasamahan na naghihintay sa pintuan ng silid patungo sa talaan ng mga misyon. "Sa nakikita ko ay napakahirap ng misyon na iyan, wag na tayong mag-aksaya pa ng panahon tungkol diyan dahil tiyak naman hindi pa tayo handa upang sumubok sa ganyang klasing misyon. Sa halip ay magpatuloy na tayo upang makapili na tayo ng misyon gagawin." Naiiritang Saad ni xim.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now