kabanata 45

90 18 3
                                    


Napataas naman ng kilay si pinunong Ruke. 'isang bata? Hmm, kakaiba ang kulay ng kanyang apoy, kung hindi ako nagkakamali ito ang pinakamataas na Uri ng apoy. Hmm,, interesante.' sa isip Niya. Nagkaroon siya ng magangdang ideya.

"Saymara! Bumaba ka muna rito." Tawag Niya sa kanyang tauhan. Agad naman itong sumunod at tumabi sa kanya.

"Bakit pinuno?" Walang ganang tanong nito. Dahil may ideya na siya kung ano ang binabalak ng kanilang pinuno.

"Kakausapin ko muna ang batang iyan. Interesado ako sa kanya."

---

"Kaizen?" Gulat na bulalas nila hara.

Lumapit naman si Kaizen sa kanila at binigyan sila ng recupill. Mas lalong silang nagtaka dahil papaanong nagtataglay si Kaizen ng mga recupill at sa nakikita nila ay matataas Ang kalidad ng mga ito.

"Bilisan niyo mga  ate at kuya, hanggat hindi sumusugod si saymara at ng kanyang kasama, isubo niyo na agad yang recupill, kahit papaano magagawa iyang pagalingin ang inyong mga sugat at ibalik ang limangpong porsyento ng inyong lakas." Nagmamadaling bigkas ni Kaizen.

Agad naman nakuha ni deon ang ibigsabihin ni Kaizen kaya sinubo Niya na agad ang recupill. "Wala tayong oras para magtanungan kaya isubo niyo na agad iyan, saka nalang tayo magtanong sa kanya kung buhay pa tayo hanggang mamaya." Aniya

Natauhan naman ang Tatlo kaya kaysa tumulala sila ay sumunod na agad sila sa sinabi ni deon, agad nilang sinubo ang recupill. Nakakamangha dahil mabilis umepekto ng gamot, agad agad gumaling ang mga bali, sugat at galos nila sa mga katawan. Tulad nga ng sinabi Nito limangpong porsyento lang ang naibalik Pero mabuti narin ito kaysa wala. Makakalaban na rin sila kahit papaano.

"Kumusta ang kolonel,?" Bulong ni deon kay Kaizen. Lumapit siya rito at tulad nito ay naghanda narin siya.

Pabulong din sumagot si Kaizen habang nakatingin sa dalawang lalaking paparating sa kanila. "Isang oras pa bago tuluyan Silang gumaling kaya kaylangan natin Silang labanan ng Isang oras kuya Deon."

Narinig ito ng tatlo. "Hmm kung ganun labanan natin sila. Sa nakikita ko hindi rin basta-basta ang pinuno ng mga piratang ito." Wika ni Ella.

"Tama ka ella, Tatlo kami nina xim at Deon na lalaban Kay saymara. At kayo ni Kaizen ang bahala sa pinunong iyan". Suhesyon naman ni hara.

Gustong magprotesta ni deon tungkol sa pagsali ni Kaizen sa laban Pero kung iisipin nagawa ni Kaizen maputol ang liwanag na baging ni saymara, mukhang makakaya ng batang ito ang makipaglaban kahit papaano. Kaya hindi na siya tumutol pa at sumang-ayon nalang.

Natigil ang kanilang pag-uusap ng magsalita ang pinuno ng kalaban.

"Bata ano ang iyong pangalan?" Nakangiti nitong tanong, kung kanina ay mayabang itong magsalita at puro pang-iinsulto ang sinasabi, iba naman ngayon dahil para itong maamong tupa at palakaibigan nakikipag-usap Kay Kaizen. Habang tahimik lang sa likod nito si saymara .

Seryuso lang na tumingin si Kaizen rito. "Bakit? Ano ang kailangan mo?" Imbis na sagutin ito ay Tanong din ang kanyang itinugon rito.

Napasinghap naman si pinunong Ruke sa tono ng pananalita ng batang ito ay mukhang hindi Niya madadaan sa pang uuto. "Hmm mukhang ayaw mong makipagkaibigan. Sa napakabatang mong edad ay matanda ka na kung mag-isip." Ngumiti ito. "Nais ko lang naman Sanang yayain kang sumapi sa aming pangkat. Tiyak Kong mas magiging malakas ka pa kung sa amin ka sasama." Pagyaya nito sa bata.

Napataas naman ng kilay sina hara. "Hoy! Matanda, si Kaizen ay kabilang sa amin, Isa siyang elites, mas maganda ang magiging kinabukasan Niya sa aming pangkat". Nanghahamak na tugon ni Hara.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now