kabanata 8

91 24 1
                                    

Tuwang-tuwa si Kaizen habang tumatakbo pauwi sa kanilang bahay nasasabik na siyang ibalita sa kanyang mga magulang ang kanyang pagkakapasa. Nakarating narin siya sa wakas sa harap ng kanilang bahay, "inay ! Itay! " Pasigaw na pagtawag Niya sa kanyang mga magulang, mayamaya lang ay nagmamadaling lumabas ang kanyang ina mula sa kusina, samantalang ang kanyang ama naman ay nagmamadaling tumakbo mula sa likuran ng kanilang bahay.

"Bakit anak? May nangyari ba sayo?" Sabay na wika ng dalawa.

Napabungisngis siya "wala naman po, nandito na ako" ngiti niyang Saad.

"Akala ko naman kung ano na, makatawag ka naman parang may humahabol sayong halimaw" nakahingan maluwag na wika ng kanyang ina. Napakamot nalang sa ulo si kaizen "pasensya na po, sadyang nasabik lang po ako hehe"

"Kumusta naman ang pagtatasa anak?" Kaswal na tanung ng kanyang ama.

"Mamaya mo na sagutin ang tanung ng Iyong ama, halika ka muna sa loob, at magpalit ng damit, at Amoy pawis na tong suot mo, " wika ng kanyang ina.

Pumasok na sila sa kanilang bahay, dumiritso muna si Kaizen sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Nakita niyang may mga bago siyang damit sa kanyang higaan, mukhang bumalik na nga ang kapangyarihan ng kanyang ina.

Si letina redvil ang Kanyang ina ay nagtataglay ng kapangyarihan sinulid. Kayang kaya nitong makagawa agad ng damit sa loob lamang ng Isang minuto. Gamit ang kanyang sinulid nakakagawa siya ng iba't ibang klasing tela na kanyang nagagamit sa Pag gawa ng magagandang damit.

Sinuot na ni Kaizen ang gawang damit ng kanyang ina, ng maayus na ang Kanyang sarili ay lumabas na siya sa kanyang silid.

"Aba'y napakagwapo naman ng binata namin" puri ng kanyang ama sa kanya.

"Syempre mana yata sayo itay!"

"Bagay na bagay sayo anak, wag mo ng suutin yung mga luma mong damit ha". Wika ng kanyang ina habang inaayus nito ang kanyang manggas.

Napangiti siya "opo inay!"

"Halika na rito anak, kuwentuhan mo kami kung anung nangyari sa iyo dun sa pagtatasa" Aya ng kanyang ama

Sinimulan ni Kaizen ang pagkwe-kwento sa nangyari sa kanya mula sa hindi siya pinasakay ng kanilang pinuno kaninang  Umaga, at tinakbo Niya nalang ang pagpunta sa bayan. Tumaas ang kilay ng kanyang ina at napakunot-noo ang kanyang ama. Sinabi Niya nalang agad na wag na Silang mag alala o magalit kasi nagbenepisyo naman siya sa nangyari, dahil sa pagtakbo Niya ng ganun kabilis tumaas ulit ang kanyang antas, kaya ngayun. Ay Isa na siyang 1st silver rank, ang pinaka unang batang nakatapak agad sa silver rank gayun sampung taon gulang palamang siya, dahil dun ay humupa na ang inis at galit ng kanyang mga magulang. Pinagpatuloy Niya na ang Pag kwekwento. Sinabi Niya rito na ang ginawang pagtatasa sa kanila ni arthon ay ang selectyon ugando agua kung saan kailangan nilang manatili ng tatlongpung minuto sa loob ng malaking batya na naglalaman ng kakaibang tubig. Sinabi Niya rin kung Ilan Silang lahat na nakapasa at tangin siya lang ang nakapasa mula sa angkan ng redvil. At dahil dito kaya nagbago na ang tingin sa kanya ng kanilang kaangkan, Naging mabait na ang kanilang pinuno sa kanya.
Pagkatapos marinig nina johanas at Litena ang huling Sinabi ng kanilang anak ay nagkatinginan nalang sila.

"Binabati kita anak, napakagaling mo naman" bati sa kanya ng kanyang ina.

"Hindi lang po iyun inay, ng papauwi na ako nagkaroon ako ng bagong kaibigan, mula sa angkan ng windillian, ang pangalan Niya ay zenki." Nagmamalaki niyang Saad.

"Mabuti naman anak, Pero ika'y mag iingat, huwag masyadong magtitiwala ng kahit sino, naiintindihan mo ba?" Paalala ng kanyang ama.

"Opo!,,,,,Saka nga po pala inay at itay, pinapatawag po kayo ni pinuno, pumunta raw po kayo sa bulwagan at may pagpupulung na magaganap."

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now