kabanata 5

112 25 0
                                    


Pag labas Niya sa mahiwagang pintuan ay tumambad sa kanya ang lugar kung nasaan ang kanyang star system bumalik lang pala siya dito,  nakaharap sa kanya ang batang walang mukha.

"Oy,, ba't mo ko iniwan kanina?" Tanung Niya rito.

"Hindi kita iniwan, sadyang hindi lang ako makapasok sa mahiwagang pintuan, siguro dahil hindi ako maaring umalis dito." Paliwanag nito "ganun pa man, ang lahat ng ginawa mo ay nakikita at nararamdaman ko, Kaya Alam ko kung anung nangyari sa iyo roon".

"Tagala ba, ang galing naman," manghang Saad Niya. "Maiba tayo, paano ako makakabalik sa aking ulirat? Kailangan ko nang gumising". Tanung Niya rito.

"Pumikit ka lang, ituon mo ang iyung isipan sa Isang bagay tulad ng Pag gising. Magagawa mong makabalik ulit dito sa ganyang din paraan". Wika nito

Pumikit na siya, pagmulat niya, kesami ng kanyang kwarto ang kanyang unang nakita. Napabangon siya, tinignan Niya ang kanyang sarili, "hmm parang wala naman pagbabago, siguro panaginip lang ang lahat nang Yun" wika Niya sa isipan. Ngunit may napansin siya sa kanyang leeg, sumilay ang kangyang ngiti. "Nandito ang kuwentas, ibigsabihin, totoo iyun? May Isang mundo akong pag-aari?." Sinubukan niyang ilabas ang mahiwagang pinto. Maya Maya lang ay nagliwanag ang kanyang kaliwang braso. Mula dun ay lumabas ang mahiwagang pinto. "Totoo nga,! Ang galing!" Napapalakpak siya, tuwang- tuwa siya at nasasabik, gusto Niya Sanang bumalik, kaya Lang may kailangan pa siyang gawin. Naputol ang kanyang iniisip ng biglang may kumatok sa kanyang silid. Dalidali niyang pinabalik sa kanyang katawan ang mahiwagang pintuan.

"Kaizen, gising ka na ba?". Wika ng kanyang ama. Dali Dali niyang inayus ang kanyang sarili. Kinuha Niya ang basong naglalaman ng gamot na ginawa Niya kagabi. Binuksan Niya na ang pinto, tulad ng inaasahan nasa harap ng pintuan ang kanyang ama , naghihintay sa kanya.

"Magandang Umaga itay!." Masigla niyang bati dito. "Heto nga pala, inumin niyo itay",, ibinigay Niya ang baso dito, nagtatakang tinanggap nito ang baso, tinignan nito ang laman.

"Para saan ito anak?"
Lumakad siya papunta sa kanilang sala, at naghihikab na naupo " ah, gamot po yan, inumin niyo na po para gumaling din po kayo, Alam ko pong nahawa na kayo Kay inay, kaya bumaba ng dalawang antas ang iyong ranggo. " Nabigla ang kanyang ama sa kanyang Sinabi. Pero napagtanto din nito agad kung paano Niya nalaman. Ininum nalang nito ang gamot, at umupo sa Isa pa nilang upuan paharap sa kanya. "Ito rin ba ang ipinainum mo sa Iyong inay kagabi?" Tanung nito. Tumango lang siya, Maya Maya lang ay nakita niyang nagliliwanag ang kanyang itay.

"Nakakamangha ang Iyong gamot anak, bigla eh gumaan ang aking pakiramdam at nararamdaman Kong lumakas ako." Natutuwa nitong pahayag, bigla itong tumayo,, "totoo ba ito? Nakabalik na ako sa dati Kong ranggo?". Tama , ang gamot na ginawa Niya ay hindi lang kayang pagalingin ang nasisirang star system Kundi kaya rin nitong ibalik ang orihinal na antas ng Isang adventurer.

"Oo mahal, wag ka nang magtaka, dahil hindi ito panaginip". Wika ng isang babaeng kararating lang.

"Mahal/inay!" Sabay na wika ng mag ama. Ang kanyang ina ay magaling nadin, hindi na ito nakahiga, masigla na ito ulit.  at mukhang galing ito sa labas.

Niyakap sila ng kanyang ina. "Kinabahan ako nang hindi kita makita kanina sa kwarto mahal, saan ka ba nagpunta?" Masuyong pagtatanung ng kanyang ama.
"Nagpahangin lang mahal, nang magising ako kanina ay ang gaan ng aking pakiramdam, parang ang lakas lakas ko na ulit. Kaya sa akin kasabikan hindi na kita nahintay gumising, Alam mo naman ilang buwan din akong nakaratay sa higaan." Paliwanag nang kanyang ina. Ngumiti ang kanyang ama, at hinalikan nalang ang kanyang ina sa noo, at niyakap. Masaya siyang nakikita na bumabalik na sa dati ang kanyang mga magulang. Ngayun magaling na ang Kanyang ina, mas nakikita na ngayun ang Angkin kagandahan nito, kuminis pa ang balat , maputi, matangos ang ilong , may kulay Rosas na mga labi, mahahaba ang pilikmata, mahaba ang kulot nitong buhok, at hindi katangkaran ang kanyang ina, nasa limang talampakan lamang ito. Habang ang kanyang ama, ay matangkad nasa pitong talampakan, makisig, kulay kayumangi ang balat, di katangusan ang ilong , makapal ang kilay at kulay berde ang mga ito. Tama, ang mga mata nila ay iba sa kanyang mga mata. Kahit ang mga buhok nito ay iba sa kanya, kung ang mga ito ay kulay itim at kulot, ang sa kanya naman ay unat at kulay dilaw na may mga hiblang puti. Ang kanyang mga mata naman kung Iyong  tututukan ay may limang kulay, katulad ng kulay nung nakita Niya sa mga batong nakadikit sa kanyang star system.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now