kabanata 3

115 26 6
                                    

Sa labas ng bahay, makikitang balisang palakad lakad ang ama ni Kaizen, hindi ito mapakali, Kinakabahan na ito dahil mag aalauna na ng madaling araw wala pa ang kanyang anak na si kaizen. Pumunta na siya sa sentro upang magtanung at hanapin ito, kaya lang ang tangin Sinabi lang ni aling Nena na pagkatapos daw niyang swelduhan ang kanyang anak ay umalis na ito. Nag tanung tanung pa siya sa iba niyang ka-angkan kung may nakapansin ba Kay Kaizen, ngunit pareho pareho lang ang mga ito sa sinasabi, hindi nila napansin o nakita si Kaizen. Nanlulumo siyang umuwi, nasaan na kaya si Kaizen. Labis labis na ang Kanyang Pag aaalala para rito.
Napahinto siya sa Paglalakad ng marinig niyang umuubo ang kanyang asawa. Dalidali siyang pumasok sa kanilang bahay, at dere-deretso sa kanilang kwarto. Sa pagbukas Niya ng pintuan ng kanilang silid mag asawa ay nabigla siya sa kanyang nakita. May Isang batang lalaki na may hawak na baso sa gilid ng kanilang higaan. Nakatalikod ito sa kanya kaya di Niya makita ang mukha nito. Napansin niyang nakapikit na ang Kanyang asawa at mukhang nakatulog na ito.

"Sino ka? Anung ginawa mo sa asawa ko?" Tanung Niya sa bata. Nang unti-unting humarap sa kanya ang bata ay doon Niya lang ito nakilala, nabigla siya dahil malaki ang ipinagbago nito. Halos di Niya ito nakilala. Ang anak Niyang si Kaizen. Mula sa pagiging napakapayat nakatawan ay nagkalaman  na ito. Ang mga humpak na pisngi ay malusog na. Ang mga galos at sugat ay wala na, napakakinis na nang balat nito. Sa kanyang pagsusuri sa kanyang anak ay napagtanto niyang aktibo na ang star system nito at ang nakakabigla pa, nasa 5th bronze rank na ang Kanyang anak.

"Itay,, !" Lumapit sya sa kanyang amang gulat na gulat at yinakap  ito. "Gagaling na si inay" sabik niyang pinaalam sa nagugulat niyang ama.  Nang tignan Niya ang kanyang itay ay punong-puno ng pagtatanung ang mga mata nito. Naiintindihan Niya naman iyon dahil sino nga ba ang mag aakala na ang batang payatot , puno ng sugat sa katawan at mahina ay malakas na ngayun sa loob lamang ng isang araw. Masyado yung imposible, napakabilis at hindi kapanipaniwala. Siya'y sampung taon gulang pa lamang , ang karaniwan batang katulad Niya ay dapat nasa 1st bronze pa lamang. Kaya naiintindihan Niya ang kanyang itay kung bakit ganito na lamang ang reaksyon nito.

"Anak,, anung nangyari sayo?" Ulit na tanung nito

"Sasagutin ko po ang iyong mga katanungan, ngunit maari bang dun nalang po tayo sa labas. Baka po magising si inay" yaya Niya sa kanyang ama.

Pumayag naman ang kanyang ama. Tinignan lang nila ulit ang kanyang ina, ng makitang mahimbing na ang pagkakatulog nito, ay lumabas na sila sa silid. Pinili ni Kaizen sa loob nalang ng kwarto Niya sila mag usap.
Wala siyang planong ipaalam sa kanyang ama ang lahat na nangyari sa kanya sa gubat. Sinimulan Niya nang ekwento ang mga nangyari sa kanya mula sa pagkakarinig Niya sa anunsyo mula sa palasyo hanggang sa kinaladkad siya Nina zenu sa gubat. At kung paano Niya nakamit ang kanyang ranggo.  Hindi Niya na binanggit ang tungkol sa bato at Kay haring Amer. Mas mabuting sarilinin nalang muna Niya ang tungkol dito.
Iba't-ibang reaksyon ang nakita Niya sa kanyang ama, mayroon naaawa, nagagalit, pagkagulat at sa huli Naging masaya ito.

"Alam Kong mayroon ka pang hindi sinasabi, ngunit wag Kang mag alala anak, naiintindihan ko. Sapat na Sakin malaman na maayus ka na, at Naging malakas ka pa. Aaminin Kong gusto Kong magalit sa mga batang iyon, Pero wala narin naman tayong magagawa, bata lang sila. Hindi naturuan ng magandang asal. Pinagpapasalamat ko nalang na ligtas ka at naswertehan ka pa."  Ngiting mapag-unawa ang nakikita Niya sa kanyang ama habang nagsasalita ito.

"Ngunit, anak,,, masyadong di kapanipaniwala ang iyong pagbabago sa maikling panahon lamang. Tiyak kwe-kwestiyunin ka ng ating pinuno." Nababahalang pahayag nito.

"Naiintindihan ko po itay, huwag na po kayong mag alala, mag iisip ako ng paraan. Sa ngayun ,magpahinga na muna tayo, nakikita ko pong pagud na  po kayo. Samahan niyo na po si inay, matulog na po tayo. Bukas na lamang po natin ipagpatuloy ang ating Pag uusap." Taboy Niya sa kanyang ama. Nag iisip ito Pero mayamaya ay napahinga nalang ito ng malalim, nakikita niyang may nais pa Sana itong sabihin sa kanya. "Sige anak, mamaya nalang , magpahinga at matulog ka narin". Tugon nalang nito.

Lumabas na sa kanyang silid ang kanyang ama. Napabuntong hininga siya. Dahil sa aktibo na ang Kanyang star system at nasa 5th bronze rank na siya, nakikita Niya na ang daloy ng enerhiya ng kanyang ama. Nalaman niyang bumaba na ito ng dalawang ranggo, nasa 4th bronze rank nalang ito ngayun na dating nasa 1st silver rank. Nahawa narin pala ang kanyang ama. Mabuti na lamang at nalaman na niya kung anung klasing sakit ang dumapo sa kanyang mga magulang at ito ay ang sinking rank disease. Nakukuha ito  mula sa pagkain ng  Isang ligaw na kabuti na may kulay dilaw sa ibabaw at asul naman sa ilalim. Ang tawag dito ay sinkmaru. Tumutubo lamang ito kapag may naagnas na bangkay ng Isang makamandag na pycon. Isang Uri ng halimaw na may katawan ng ahas at may dalawang ulo na katulad ng Isang butiki. Salamat sa kanyang kaalaman sa alchemy kaya Alam Niya na kung paano ito malulunasan. Nilabas Niya ulit ang kanyang palayok. Hangang ngayun ay namamangha parin siya dito. Kanina Niya lamang natuklasan ang ganitong kakayahan. Kasi nang gagawan na Niya ng gamot ang kanyang ina. Naghanap siya ng Isang bagay na pu-pweding gamitin, at nang maisip Niya na kailangan niya ng palayok, bigla na lamang ito lumabas sa kung saan. Napakaganda ng palayok na ito. Hindi ito ordinaryo lamang at gawa ito sa purong ginto. sa bawat gilid nito ay may mga bato na may iba't ibang kulay. Kung titignan ng mabuti sa may ilalim ay maroon sulat na hindi Niya pa kayang basahin, dahil ito ay nakasulat sa sinaunang alpabeto. Maaring dahil sa kanyang antas kaya wala pa siyang kakayahan basahin ito. Nagkibit balikat na lamang siya. Saka nalang Niya ito Pag tutuunan ng pansin Pag may oras na siya. Sa ngayun kailangan Niya nang gawin ang gamot para sa kanyang ama. Inihanda Niya na ang mga gagamitin sangkap, mabuti nalang at nanguha siya kanina sa gubat. Isa Isa niyang pinalutang ang mga ito, gamit ang Isa niyang kamay pinalutang Niya ang palayok sa ibabaw ng kanyang kaliwang kamay. Mula sa kanyang kamay ay unti unti niyang pinalabas ang puting apoy. Ito ang maalamat na white alchemy  flame. Napakataas na kalidad ito na apoy. Kayang tumunaw nang kahit anong klasing mga bagay. Sa angkang ng mga golass, ang kanilang pinakapinuno ang siyang nagtataglay ng blue-green alchemy flame , ito sa ngayun ang kinikilalang mataas na Uri ng alchemy flame sa buong mundo. Mabibilang lamang sa daliri ang mayroon nito. Walang mag aakala na may Isang batang  taga redvil ang magtataglay sa maalamat na white alchemy flame.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now