kabanata 49

70 15 1
                                    



Huminto sina Lexington pagkarating nila sa  Isang tulay. Makikitang hindi lang sila ang dumating dahil marami na ang naroon mga tao na papasok.

"Guro ito na ba ang bayan ng Bura?" Tanong ni hara.

Marahan umiling si Lexington at sumagot. "Nasa bukana palang tayo ng tiretoryo nila, ang tulay na yan ang nagsisilbing daanan upang makapasok ang mga dayong tulad natin, dahil ang buong tiretoryo ng Bura ay protektado ng kakaibang Harang. Walang sino man ang nakakapasok, mula sa ilalim man ng lupa o sa himpapawid. Tangin ang nag-iisang tulay na yan ang daanan." Paliwanag nito sa kanyang mga studyante.

Tumango naman ang apat bilang pagsang-ayun. Biglang may napagtanto si xim. Tumingin -tingin ito sa paligid, napansin naman siya ni Ella kaya kinalabit siya nito. "Sino ba ang hinahanap mo?" Kunot-noong tanong nito.

"Hindi niyo ba Napapansin? Parang wala pa rito si Kaizen" palingong -lingon sagot niya Kay Ella.

Sa narinig ay mabilis pinakalat ni Lexington ang kanyang pandama. Napakunot noo siya. "Tama ka, wala pa dito si Kaizen. Akala ko ba nauna na siya rito?"

Nagkatinginan naman ang Tatlo. Unang nagsalita si Deon. "Yun din po ang akala namin, kasi sa sobra niyang bilis tumakbo kanina, akala namin ay nakasabay na siya sa iyo guro." Nagtataka rin Lahad ni Deon.

Napaisip naman si Lexington at binalikan ang alala Niya kanina nung nakasabay Niya si Kaizen sa Pagtakbo. "Hmm hindi ko na rin pala siya napansin dahil malalim ang aking iniisip kanina."

"Baka nauna na siyang pumasok sa teritoryo ng Bura?" Alanganin tanong ni Ella.

"Imposibli, naniniwala akong maghihintay siya sa atin dito bago pumasok." Umiiling na sagot ni hara Kay Ella.

Napatango naman si xim. "Tama ka hara, kahit sandali palang natin nakasama ang batang iyon, tiyak kong hindi iyon basta-basta kikilos ng walang permiso Kay guro."

"Kung ganun Isa lang ang naiisip Kong dahilan kung bakit wala pa siya hanggang ngayon" pahayag ni Lexington.

Tumingin sa kanya ang apat. "At ano naman po iyon guro?" Tanong ni Ella.

Bumuntong hininga siya at marahan sumagot. "Tiyak Kong naligaw si Kaizen habang papunta siya rito."


---

"NAKAKALIPAD ka!"

Napapikit naman si Kaizen, Pakiramdam Niya ay mababasag na ang Kanyang  membranong timpaneko (eardrum) dahil sa lakas ng sigaw ni Shaira, na nasa kanyang tagiliran lamang habang mahigpit itong kumakapit sa kanyang mga braso at halatang takot mahulog.

Alanganin siyang ngumiti at sumagot. "Oo, halata naman"

Napairap naman si Shaira dahil sa pagkapilosopo ng sagot niya. Umismid ito at nagsalita. "Ilang taon ka na ba?" Tanong nito.

Malumanay naman sumagot si Kaizen. "Sampong taon pa lamang"

"Ang galing naman, sa edad mong iyan nasa 1st level gold rank kana at nakakalipad ka pa." Paismid nitong puri sa kanya.

Tipid na Ngumiti lang si Kaizen bilang tugon.

Totoong napahanga si Shaira, dahil napagtanto Niya rin na Isa palang gold rank ang batang sinusubukan niya Sanang iligtas na siya pala ang iniligtas. 'siguro,  hangin ang elemento ng kapangyarihan nito kaya nakakaya na nitong lumipad.' sa kanyang isipan.

"Alam mo pareho tayo, Isa na rin akong 1st level gold rank, akala ko nga ako na ang pinakatalentado sa lahat ng kabataan, mayroon pa pala." Paismid niyang saad. Naiinis siya, at ang tingin Niya ngayon Kay Kaizen ay Isa ng katunggali. Nasanay siyang siya ang pinakatalentadong bata, dahil sa edad na Tatlong taon gulang ay nasa 1st level bronze rank na siya agad. Kaya ngayong sampong taon gulang na siya ay nakamit Niya na agad ang gold rank. Pero dahil sa batang ito ay napagtanto niyang hindi lang pala siya ang pinakatalentadong bata.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now